Monday , December 23 2024
CBCP

Palasyo kinabog sa militansiya ng Simbahang Katolika vs Anti-Terror Law

KINABOG ang Palasyo sa ipinararamdam na militansiya ng mga lider ng Simbahang Katolika sa bansa kontra sa Anti-Terror Law.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi puwedeng ipagwalang bahala ng Malacañang ang impluwensiya ng Simbahan sa proseso nang pagpapasya ng mga pinuno ng bansa.

Ginawa ni Panelo ang pahayag kasunod ng hamon sa kanya ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na sampahan ng kaso ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kung sa palagay niya’y may nilabag na batas ang inilabas na pastoral letter laban sa Anti-Terror Law.

Giit ni Panelo, base sa kasaysayan, tumangging magpasya ang ilang pinuno ng Filipinas kapag taliwas sa pananampalataya ng Simbahan bunsod ng malawak na impluwensiya nito sa bayan at mga mamamayan.

“It is for this reason that the Church should not attempt to interfere in purely political or temporal matters; otherwise, with its strong persuasion, they are to dictate how the nation should run its earthly affairs — a clear derogation of the separation principle,” ani Panelo sa isang kalatas kahapon.

Ipinaalaala ni Panelo ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong Simbahan na huwag gamitin ang plataporma ng Diyos sa pagbatikos sa kanya.

Matatandaan, nagkaroon ng malaking papel ang Simbahang Katolika sa pagpapabagsak ng diktadurang Marcos noong 1986 People Power Revolution at pagpapabagsak ng rehimeng Estrada noong 2001 EDSA People Power Revolt.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *