MARAMI ang nagulat sa biglang pagborta ng katawan ni Will Ashley, na pinagpiyestahan ang mga larawan sa social media dahil kitang-kita ang mga muscle nito.
Naging instant pantasya at crush nga ng mga kababaihan at beki si Will nang magpasilip ng putok na putok na sa kanyang braso.
Marami tuloy ang nagre-request na baka sa susunod na post ay mga litratong topless na kita ang abs ang makita.
Flattered naman ang guwapong teen actor sa mga papuring natatanggap mula sa mga netizen na nakakita sa kanyang bagong looks social media.
Pagtitiyaga, hirap, sakit ng katawan, at sobra-sobrang pawis ang pinuhunan ni Will para ma-achieve ang magandang katawan. Happy naman siya sa resulta niyon.
Na-inspire ang binata sa mga Kapuso actor na nagawang magpaganda ng katawan katulad nina Jak Roberto, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, at ang idolong si Alden Richards.
MATABIL
ni John Fontanilla