Si Francine ay kilalang social media influencer at 2013 Super Sireyna winner ng Eat Bulaga. Aminado rin siya na isang operada o sumailalim sa sex change since 2011 pa.
Ipinahayag ni Francine ang pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Frontrow.
“Women Empowerment ang theme and transwomen ang nire-represent ko sa Frontrow. Lahat ng product nila, ine-endorse ko po like yung Luxxe Slim po and the one on the billboard, which is Luxxe Protect po.”
Ano ang epekto sa kanya ng Luxxe?
“Ang Luxxe Protect is more on body protection, like vitamins because it has grapeseed. Samantalang ang While Luxxe Slim is more on slimming benefits with green tea extracts. Luxxe Slim is very good in maintaining my physique tito, it helps my body to convert fats to energy.”
So, hindi lang pangpa-sexy, healthy talaga ang mga product na ito ng Frontrow? “Exactly!” Masayang bulalas pa ni Francine.
Sa tingin niya, bakit siya kinuhang endorser ni Direk RS? “Hindi ko po alam kung anong nakita rin nila sa akin, ang alam ko lang po, I am humbled by them choosing me po.”
Sinabi rin ni Francine ang pasasalamat kay Direk RS at pinuri ito sa pagkakaroon ng malaking puso sa walang sawang pagtulong sa kapwa.
Wika niya, “Si Direk RS is a blessing to others, especially noong kasagsagan ng ECQ and GCQ. He keeps on donating sa mga less fortunate na affected ng pandemic and take note, iba pa iyong nasusulat at alam ng mga taong donations niya… sa mga silent donations na ipinagkakaloob niya, even selling his expensive cars para mai-donate… Na alam ko ang mga car niya ay Lamborghini, Ferrari, at Jaguar, Kaya, iba talaga si Direk RS.”
Dagdag pa ni Francine, “Si Direk RS dapat siyang idolohin at tingalain dahil sa kabutihan niya, lalo na ngayong panahon ng pandemic na marami siyang tinutulungan.
“Actually, kung mayroon pang mas na puwedeng gamitin na term para kay Direk RS, iyon na siya, tito. Hindi lang alam ng mga tao ang magnanimity ng ginagawa niya. And kahit siya sa sarili niya, hindi niya nare-realize yung laki ng tulong ni Direk RS sa mga tao, kasi he does it from his heart.”
“Technically this is my first solo billboard tito, and I think first transwoman to achieve such… Kaya Diyos ko po! Grabe ang kilig ko talaga. Actually, noong isinend pa lang sa akin ang art card, naloka na ako. Pero noong up na iyong billboard, mas nakaka-happy talaga.”
Kailan siya nag-start maging part ng Frontrow family?
“I started being a member last December po, sad lang due to pandemic ay hindi ko na-pursue nang todo,” pakli niya.
Dagdag pa ni Francine, “Hindi ko po ma-promote nang todo which is understandable kasi ayaw naman natin na while doing our business eh… ang dami kasing affected ng pandemic. Pero after ng Covid19, hahataw na talaga ako at wala nang makakapigil sa akin,” nakatawang saad pa niya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio