Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Skye nina Max at Pancho, iyakin

VERY happy ngayon ang Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno dahil kasama na nila ang kanilang baby boy na si Skye Anakin. 

 

Very hands-on sila at maraming nadidiskubreng bago sa kanilang anak. “Iyakin siya and he’s also very interested in lights and sounds,” kuwento ni Max.

 

Dagdag ng aktres, itutuloy niya ang pagbi-breastfeed kay Baby Skye hanggang sa abot ng kanyang makakaya.

 

Kuwento pa ng first time parents, hindi madali ang kanilang water birthing experience ngunit mas pinatatag pa nito ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Thankful si Max dahil mabilis siyang naka-recover matapos manganak.

 

“Mahirap siya. I really thought it wouldn’t be as hard as it was but sobrang fulfilling ‘yung feeling after. Now, I feel so much more empowered and iba na ngayon ‘yung respeto ko sa mga mommy kasi hindi madaling manganak,” kuwento ni Max.

 

Hindi naman maitago ni Pancho ang kanyang paghanga sa asawa, “Sobrang proud ako sa kanya. Hindi mo talaga mae-explain.”

 

Ang tanong ng marami, magiging istrikto kaya sila sa pagpapalaki sa kanilang anak?

 

Ani ni Pancho, “Strict but lenient siguro.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …