Saturday , April 19 2025

Mariah Elizabeth Fronda, bumuo ng all girl group band

MULA sa pagiging solo ay bumubuo ng all girl group ang Pinay Japan based singer na si Mariah Elizabeth Fronda.

 

Aniya, “Sa ngayon back to work na kami, medyo matagal ding hindi nakapag-work dahil sa Covid-19 pandemic.

 

“Pero during the time na nasa bahay lang ako wala akong ginawa kundi mag-compose ng mga song kaya naman may mga ready song na ako na soon ay ire-record ko.

 

“Balik gig pa rin ako rito sa Japan, medyo na miss ko rin mag-show, hopefully tuloy-tuloy na.”

 

Dagdag pa nito, “Tapos ngayon nagpo-form ako ng all female group mostly half Pinoy/half Japanese.

 

“Ang purpose namin ay i-promote ang Philippines at ang Japan, bale ‘yung mga song namin combination ng Pinoy at Japanese song.”

 

At kapag okey na ang kanilang grupo, dadalhin niya ito sa Pilipinas para mag-perform at makilala ng mga Filipino.

 

Pero hindi nangangahulugan na iiwan na niya ang solo career sa pagbuo niya sa girl group, tatanggap pa rin siya ng mga solo gig kung may kukuha sa kanya.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Rhian Ramos

Rhian bumisita sa 7 simbahan sa Maynila

MATABILni John Fontanilla NGAYONG Holy Week ay inihatid ng programang Where In Manila, hosted by Rhian Ramos ang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *