Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jong Cuenco, suki ng Magpakailanman

AMINADO naman ang musikero at anak ng National Artist for Music (Professor Ernani Cuenco) na si Jong, na suki na talaga ng mga episode ng Magpakailanman sa Kapuso.

 

Kaya natutuwa naman siya na naaalala siya ng mga nagka-cast sa mga programa sa pagbabalik-trabaho nila, as in taping in the new normal.

 

Excited si Jong, dahil sa Sabado (July 18, 2020), kasama siya sa unang episode ng Magpakailanman na ginawa na sa panahon ng pandemya.

 

“First new episode ng ‘Magpakailanman. About the story of DJ Loonyo played by Jak Roberto, Lovely Rivero plays Annie, the mom and ako ‘yung dad, si Budo. 

 

“Every one had to get tested sa medicard and an online form for access had to be submitted for contact tracing na rin.

 

“Fifty pax lang sa set. Naka-cordon off ang location. May ambulance and safety personnel na naka-stand by. They would check and record your temp every now and then. Pre-prod was done via zoom. Script reading and safety protocols were discussed.

 

“Sa taping proper, sa tent ng boys kami lang ni Jak pero he opted to stay sa car. So, solo ko ‘yung tent. We tried to keep contact to a minimum sa mga eksena pero mahirap pala ‘yung ganoon.

 

“About my role as a Dad, ang nalaman ko about his life was that DJ Loonyo is closer to his mom. Dad n’ya ang naging conflict sa earlier life n’ya.”

 

Si Zig Dulay ang direktor nila. Kumusta naman siya?

 

“Actually 2nd time ko na with Direk. ‘Magpakailanman’ din ‘yung una, shot in Baguio ng two days. He is very easy to work with. Straight to the point ang approach nya. He tells you what he wants sa eksena but open to suggestions and artist interpretation.

 

“Sa Kapamilya, ang last taping ko was for ‘Make It With You’ noong March before the lock down.

 

“But I was able to do a guesting for ‘Maynila’ last week. First taping ko since lockdown. It was aired last Saturday.”

 

Istorya ng viral dancer at choreographer na si DJ Loonyo ang ibabahagi ng Magpakailanman. Nag-train si DJ Loonyo sa iba’t ibang sikat na dance champions sa Pilipinas. Hanggang sa buuin niya ang sariling grupo na Rock*Well. 

 

Nakilala siya online dahil sa mga tutorial na ipino-post niya sa Facebook, Instagram, at TikTok. 

 

Marami ang naaliw sa kanyang sayaw. Hanggang naging kontrobersiyal.

 

Silipin ang buhay niya!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …