KAHIT nasa bahay lang, abala ngayon si Anthony Rosaldo sa pagpo-promote ng latest single niya mula GMA Music, ang Pwedeng Tayo.
Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga sumusuporta dahil laman ng music charts ang kanyang kanta.
Gayunman, miss na rin ni Anthony ang pagtatrabaho sa labas.
“Namimiss ko ‘yung face to face interaction sa work, fans, friends and everyone. Iba pa rin ‘yung nakakausap mo ng personal at nahahawakan mo ‘yung mga tao sa buhay mo. Too much Zoom meetings na tayo ngayon. Haha! Pero that’s the new normal. Para maging safe tayong lahat,” aniya.
COOL JOE!
Joe Barrameda