ISANG short clips monologue entitled Bida sa Sakit ng Lahi ang pinagbibidahan ni Ronnel Lego na isinulat at idinirehe ni Emerson Furto at hatid ng Telon -CIIT Theater Organization.
Ginagampanan ni Ronnel ang isang 19 years old Biochemistry student na isang half Filipino/half Chinese.
Ayon kay Furto, “Gusto kong i-address kaya ko isinulat ko ang ‘Sakit ng Lahi’ ay ang diskriminasyon na nararanasan ng mga tao dahil mukha lang silang Chinese kahit iba ang lahi nila. ‘Di lang sa ‘Pinas, sa buong mundo rin nangyayari ‘yan. At kahit Chinese talaga ang lahi nila, marami ring Chinese ang hindi sumusuporta sa action ng bansa nila. ‘Di tayo pro-China. ‘Di rin tayo anti-Philippines. Tayo ay anti-discrimination.”
Ilan sa naging guesting sa telebisyon ni Ronnel ang Ang pinaka, Bubble Gang, Imbestigador, Dear Uge, at MMK.
Idolo ni Ronnel sina Ogie Alcasid at Michael V kaya naman gusto niyang sundan ang yapak ng mga ito.
MATABIL
ni John Fontanilla