Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN congress kamara

Bakit nga ba umurong ang ilang mambabatas sa pagpabor sa ABS-CBN?

BAGAMAT binigyan lamang ang ABS-CBN ng 24 oras para iapela ang naging desisyon ng mababang kapulungan ng kongreso sa kanilang franchise application, dahil ang mga sumunod na araw ay Sabado at Linggo, ibig sabihin hanggang ngayon sana ay maaari silang umapela kung gusto nila.

Pero sa tono ng salita ng marami sa kanila na maghihintay na lang sila ng 2022, ”kung kailan iba na ang mga namumuno sa bansa,” bago sila humingi ng panibagong broadcast franchise, ibig sabihin hindi na sila aapela. Mahirap din naman kung aapela sila. Napakahirap mabaliktad ang botong 70-11. Ibig sabihin mula sa hanay ng mga bumoto pabor sa pag-aalis ng kanilang frachise, mga nag-abstain at nag-inhibit, kailangang makakuha sila ng 36 na boboto pabor sa kanila para madagdag sa kanilang 11 at makuha ang mayorya ng mga kongresistang kailangang bumoto. Iyang mga ganyang sitwasyon ang masasabi ngang “milagro” ang kailangan para mangyari.

May mga insider na nagsabi sa amin, totoong maraming pabor na bigyan sila ng franchise ang umurong nang marinig ang mga matitinding issues. Mas marami rin daw sa mga dating pabor na mga congressman ang tila nainis sa aroganteng mga statement ng mga supporter ng ABS-CBN sa social media, na tila tinatakot pa sila. Ang iba roon ay identified daw na mga “makakaliwa,” samantalang ang mas marami ay sinasabi nilang identified na mga “tauhan ng ABS-CBN.”

Kaya nga sinasabi ng aming source na maling idea ang naisip nila na kalabanin pa ang mga miyembro ng kongreso na hinihingan nila ng pabor. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga inaasahang kakampi nila ay hindi na kumampi. May mga artistang kagaya nina Cong. Yul Servo Nieto, Cong. Dan Fernandez, at Congw. Precious Hipolito Castelo na hindi rin bumoto ng pabor. Hindi rin bumoto ng pabor sa kanila si Cong. Strike Revilla na kapatid ni Senador Bong. Dinikdik pa sila ni Congressman Boying Remulla, na kapatid ng dating ABS-CBN reporter na si Gilbert Remulla. Bakit pati ang mga inaasahang kakampi sa kanila ay bumaliktad.

Maski nga si Cong. Vilma Santos, hindi maintindihan kung bakit kumaunti sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …