Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abiso ng Cebu Pac para sa Manila-Dubai-Manila Flights

SIMULA 12 Hulyo 2020, ibabalik ng Cebu Pacific ang kanilang mga Manila-Dubai-Manila passenger flight sa mga sumusunod na schedule:

Ang mga pasaherong bibiyahe patungong Dubai ay kailangang kumuha ng travel and health insurance coverage bago dumating, alinsunod sa kautusan ng Dubai Civil Aviation Authority. Maaring hindi payagan sa check-in at sa boarding kung walang valid health insurance.

Ang mga pasahero ng nakanselang Manila-Dubai-Manila flights ay maaaring mag-rebook online sa pamamagitan ng “Manage Booking” portal sa Cebu Pacific website (http://bit.ly/CEBmanageflight).

Masusunod ang government quarantine at travel regulations sa mga pasaherong bibiyahe mula at patungong Manila at Dubai. Pinapayohan ang mga pasaherong nagkompirma sa mga flight na ito na sumunod sa Contact Flights guidelines, kabilang ang pagsusuot ng face mask, online check-in, pagdating sa paliparan tatlong oras bago ang flight, pagsasara ng counter isang oras bago ang flight, isang hand-carry kada pasahero, contactless boarding procedures, at physical distancing.

Lahat ng iba pang Cebu Pacific international flights ay nananatiling kanselado mula 11-31 Hulyo 2020.

Pinapayohan ang mga pasahero ng mga nakanselang flight na mag-avail ng alinman sa mga flexible option sa pamamagitang ng pag-manage sa kanilang booking online nang libre sa Cebu Pacific website, bit.ly/CEBmanageflight.

Maaaring mag-rebook ng kanilang flight sa loob ng susunod na tatlong buwan; mag-avail ng full refund; o ilagay ang buong halaga ng ticket sa Travel Fund na maaring magamit sa loob ng isang taon.

 

Domestic flight schedules

Kasalukuyang nag-o-operate ang Cebu Pacific at Cebgo ng limitadong bilang ng domestic flights, alinsunod  sa mga regulasyong inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF), maging ang mga limitasyon at mga restriksiyong itinakda ng mga local government agencies/units.

Makikita ang updated list ng mga flight sa Cebu Pacific website, https://bit.ly/CEBGradualRestartSchedule. Ang lahat ng naunang kinasanelang domestic flights na wala sa updated na listahan ay nananatiling kanselado.

Ang mga pasahero ng mga kanseladong flight ay maaaring mag-rebook online sa mga flight na nasa itaas sa bit.ly/CEBmanageflight. Mahigpit na hinihimok ang mga pasahero na pumili ng mga destinasyon na malapit sa kanilang mga tinitirhan upang makasunod sa mga direktiba mula sa mga lokal na awtoridad.

Ang mga pasahero ay hihingan ng kanilang kompletong mga address bago ang kanilang travel date.

Ang pagbibigay ng maling impormasyon ay maaaring magresulta sa pagbabawal sa kanilang sumakay sa flight.

Kinakailangang i-check ng mga pasahero ang guidelines para sa required travel documents.

I-check ang status ng flight bago magpunta sa paliparan.

Maaaring makita ang Real-time Flight Status sa Cebu Pacific website https://bit.ly/CEBFlightStatusCheck. Huwag magpunta sa paliparan nang hindi nabe­berepika at nakokompirma ang flight schedule. (GMG)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …