Friday , November 15 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Peryahan

SA MGA KAGANAPAN ng linggong ito, masasabi ko na ang pamahalaan natin ay nagmistulang isang peryahan.  Ang perya ng aking pagkabata ay dinarayo para maaliw, mamangha at makalimot. Bakit maaliw?

 

Nandoon ang mga palaro katulad ng hagis-barya. Ihahagis mo ang barya sa bunganga ng maraming baso.

Kapag napuntirya mo at na-shoot ang barya sa baso bibigyan ka ng premyo na kadalasan ay kendi, maskarang karton, o plastic balloon.

 

Napakahirap maipasok ang barya sa baso dahil bukod sa napakaliit ng bunganga, gawa ito sa salamin, tatalsik palabas ang barya kapag tumama sa salamin.

 

Ganito ang ABS-CBN franchise hearing ng Kongreso natin.  Lahat ng klaseng bato ng barya ay ginagawa, pero hindi pa rin ‘shoot sa baso.’  Andito ang issue ng hindi pagbayad ng tamang buwis, na pinatunayang hindi totoo, andiyan ang issue ng non-contractualization ng mga empleyado, bagay na pinabulaanan, dahil lahat ng nagtatrabaho rito ay saklaw ng isang kontrata, kahit “per project basis” lang sila, at ito ay kalakaran sa iba pang estasyon na tulad ng ABS-CBN.

 

At ito ay pinatotoo ng broadcaster ng PTV na si Jules Guiang. Ani Jules:

 

“Defensor grills ABS-CBN for hiring people with different contracts, like some aren’t regularized. Check government’s backyard. Thousands aren’t regularized. Example: I’m on my eighth year in PTV without benefits. No employee status. I just find this argument hypocritical to be used against a network that is just renewing its franchise.”

 

Isa pang issue na hindi mai-shoot sa hearing sa Kongreso ang hindi patas na pagbabalita, bagay na pinabulaanan ng mga nasa larangan ng broadcast journalisim gaya ni dating news anchor Kata Inocencio.

 

Ani Kata: “We have never been instructed to play favorites, nor to slant stories in favor or against anyone.  We exercise our duty as broadcast journalists, based on the ethical standards and responsibilities expected of us who are sworn to tell the truth, to remain impartial, to air both sides as much as possible, and to be fair and partial in our reporting.”

 

Hindi lang ang ABS-CBN at PTV4 ang gumagawa nito. Ito ay pangkaraniwang gawain o kalakaran sa lahat ng broadcasting companies.

 

Sa peryahan makikita ang nagtatao sa “hagis-barya.” Malimit ito ay mga bakla na nakasuot babae na makakapal ang make-up, at kadalasan  hawak ang megaphone o mikropono. Magsasayaw o magli-lip sync ng popular na awit. Lahat ng gimik at patawa, kahit gaano ka-corny o bastos gagawin para mahikayat ang nanonood na sumali sa laro.

 

Sila ang mga nagmistulang kongresista na naka-abat sa franchise hearing ng ABS-CBN. Lahat gagawin para lamang mapansin. Lahat ng klase ng pukol ng barya tatangkain mai-shoot lang ang argumento nila sa maliit na bunganga ng baso. Pinilipilit na lang ang mga argumento at hindi na po nakatutuwa sa mata ng nagbabayad ng kanilang suweldo.

 

Nababatid na ng botante kung ano ang uri ng pagkatao meron ang mga kongresistang inihalal nila. Ewan ko lang kung saan sila pupulutin sa darating na halalan.

Hay naku.

Kaya maging leksyon ito sa lahat.

Sa darating na eleksyon, ‘wag na magluklok ng mga politikong pamperya.

 

***

 

Malapit na ang State-of-the-Nation address ni Rodrigo Duterte, at ang mga naatasan ay abala sa paghahanda. Isa rito si Binibining Joyce Bernal na didirihe sa SONA ngayong taon.

Umakyat ng Sagada ang grupo ni Direk Joyce para mag-shoot ng video na gagamitin sa SONA. Kasama niya rito ang kanyang crew at mga artista kabilang si Piolo Pascual.

Ngunit pagdating sa naturang bayan ay hindi pinayagan mag-shoot ng video ng Sagada LGU kahit nagpakita ng JAO clearance na nagpapahintulot sa grupo ni Direk Joyce na gumawa ng video roon.  Napilitan ng grupo ni Direk Joyce na umalis na lang.

Tandaan natin na may pandemiko ng COVID ngayon sa buong kapuluan, at ang LGU ay may karapatang tanggihan ang sinoman na gustong pumasok sa lugar nila kaya walang saysay ang anomang clearance KUNG hindi ITO bigay ng mismong LGU. Respeto lang o, sa mga taga- Sagada. Sila ang masusunod dahil lugar nila yon.

 

***

 

Totoo marami ang naaaliw, natawa, at namuhi sa mga pahayag na lumabas sa bunganga ng tinagurang tagapagsalita ng presidente Atty. Harry Roque.

At para sa patas na pahayag, naglista ang inyong abang-lingkod patungkol sa mga sinabi ng presidential ‘spooksman’ simula nang tumambad ang COVID-19. Heto ang mga nakalap ng inyong abang-lingkod:

Enero 2020: “Hindi aabot dito ang COVID-19 dahil warm ang ating climate.”

        (Nota Bene: Hindi pa po si Spox Roque ang presidential  spokesperson noong  Enero 2020. 13 Abril 2020 po siya muling bumalik. — Patnugot)

Pebrero2020: “Everything is under control. Hindi ito kakalat.”

Marso 2020: “Lockdown muna. Pero mass testing is not needed.”

Abril hanggang Mayo 2020: “Mababa ang ating death rate. Okey lang.”

Hunyo 2020: “We are winning.”

 

Hulyo 2020: “Taong-bayan na ang bahalang magdesisyon dito.”

Ito ang sumasalamin sa mga namumuno sa pamahalaan ngayon. Ayokong lahatin sila dahil alam ko may ilan sa kanila ang matino.  Pero ‘wag natin sisihin ang taong-bayan kung bakit ganito na lang ang pagkamuhi sa ating mga opisyal sa gobyerno.

Kabilang ako sa mga nananalangin na matapos na ang kabaliwang ito.                                                                                                   [email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *