Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benjamin Alves, walang planong maging copy cat ni Piolo

IMPORTANTE ba kay Benjamin Alves ang acting award? Nasa bucket list ba niya ang magkaroon ng acting award?

 

“Hindi naman. Ang hirap po kasing sabihin na hindi siya importante. Parang magsisinungaling po tayo ‘pag sinabi nating hindi importante, parang ano po ‘yan eh, parang sa trabaho, kahit anong trabaho parang naghahanap ka ng kahit…’yung recognition na nagagawa mo ng maayos at mabuti ‘yung trabaho ninyo po.

 

“Although nakukuha ko naman po ‘yun sa director, sa mga co-actor ko, masaya na po ako sa ganoon. Pero siyempre, plus na rin po ‘yung…’yung parang hindi lang po ‘yung nasa katrabaho ko or nasa taping po ‘yung nakaka-appreciate po niyong…lalo na ‘pag ‘yung PMPC.

 

“Alam naman po natin na one of the prestigious award giving bodies, parang mayroon pa palang iba na makaka-appreciate ng ano po, more than the ticket sales, more than ratings po namin.

 

“Para po sa actor…’yung ratings po natutuwa po ako roon, malaking ano po ‘yun, thank you po ako roon, pero ‘yung mabigyan ka ng award, ibang ano naman po ‘yun…ibang pasasalamat at ‘yun nga po kasi…”

 

Parang fulfillment?

 

“Opo, fulfillment po ‘yun sa lahat…parang benchmark po bilang…hindi ko po alam kasi hindi ko po alam kung tama po, pero para sa akin po…yeah, ‘yun nga po, ang hirap anuhin eh, paikot-ikot tayo pero ‘yun nga, siyempre mahalaga po ‘yun. Ang hirap pong sabihin na hindi eh. Ang hirap sabihin na…although hindi po ako gumagawa ng trabaho para…gagawin kong award…pang-award ito.”

 

Hindi iyon ang reason ni Benjamin?

 

“Opo, pero parang ay may naka-notice, may naka-recognize na ‘yung pinaghihirapan ninyo, ‘yung passion mo, na naa-appreciate po.”

 

Ang uncle niyang si Piolo Pascual ay isang multi-awarded actor.

 

“Yeah, ‘yun nga po.”

 

Pressure ba sa kanya ‘yun, na ang husay-husay na aktor ni Piolo? Na i-expect din sa kanya ‘yun?

 

“Kung hahabulin ko pa po ‘yun medyo…

 

“Hindi ko po…wala po akong pinangarap na parang habulin po si Kuya PJ, parang alam ko naman po ‘yung…’yung career ko is sa akin po ‘yun eh, ako po ‘yung…eto po ‘yung takbo ng career ko, hindi ko naman po parang ‘pag hindi ko nakamit lahat ng ginawa ni Kuya PJ, parang ano na ‘yun…magiging failure na ‘yun sa akin.

 

“Parang ako po ‘to eh, ito ‘yung magagawa ko, ito po ‘yung hanggang sa kaya ko, ito po ’yung passion ko, ito ‘yung trajectory ng career ko, happy na po ako kung ano ‘yung pupuntahan ng career ko. Hindi ko na po ikino-compare sa kanya,” wika pa ni Benjamin.

Samantala, mapapanood muli sina Megan Young at Benjamin sa nakakikilabot na episode na Sumpa ng Kalendaryo, sa Sabado, July 11 sa Magpakailanman sa GMA.

 

Hango ito sa kuwento ng relihiyosong mag-asawa na si Sonya at si Ronnie na bibigyang buhay ng mga Kapuso actor na sina Megan at Benjamin.

 

Tampok din ang Kapuso stars na sina Rob Moya as Father Pepe at Rosemarie Sarita as Mama Cristy. Idinirehe ito ni Jorron Monroy, sa pananaliksik ni Rodney Junio, at sa panulat ni Vienuel Ello.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …