Friday , November 15 2024

Deadline ng enrolment sa July 15

INIANUNSIYO ng DepEd na extended hanggang July 15 ang school enrolment, bagay na ikinatuwa ng ilang magulang, pero marami rin ang nalungkot dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang kanilang normal na buhay.

 

Tinutukoy ko rito ang mga public vehicles driver, na hindi alam kung paano itataguyod ang edukasyon ng mga anak na inaasahan nilang balang araw ay mag-aahon sa kanilang kalagayan sakaling makatapos ng pag-aaral.

 

Ngunit paano? Sa estilo ng pamumuhay ngayon bunga ng lockdown sanhi ng pandemyang COVID-19, ano pa ang inaasahan? Halos walang kinikita ang mga taxi driver.

Bihira na gustong sumakay ng taksi ‘yung

meron lang kakayahan, at kailangan mag-report sa trabaho o may mahalagang pupuntahan.

Takot pa rin lumabas ang tao dahil sa patuloy na pagrami ng mga apektado ng virus, saan at hanggang kailan matatapos ang lahat?

Sa local government units, taxpayers, iilan ang nagbabayad kahit ang mga may paupahang apartments hirap na dahil walang maibayad ang kanilang tenants.

Ang Meralco, isang ehemplo na nagpapahirap ngayon, imbes ipang-tuition ng anak naging berdugo ang Meralco itinapat pa sa buwan ng enrolment. Paano makasu-survived sa gastusin ang taong bayan. Iniisip mo pa lang saan kukunin ang matrikula ng mga anak, biglang darating ang mataas na halaga ng Meralco bill?!

Aasahan ba natin na lahat ng batang nag-aaral noon, ngayon ay makapag-aaral pa rin? Partikular ang mga may anak sa kolehiyo, paano maiaahon sa kahirapan ang mga magulang kung ngayon pa lang ay hindi na maipagpapatuloy pa ang pag-aaral.

Noon tapos lang ng high school o vocational course may trabaho na. Sa rami ng nawalan ng trabaho, sa rami ng nagsarang kompanya o nagsara na mga establisimiyento, anong trabaho ang naghihintay sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ang tsansang mahango sa kahirapan ay nawala, at sa halip ay nadagdagan pa dahil ang hindi nakapag-aaral at nawalan ng trabaho ay magiging sakripisyo ng mga magulang sa araw-araw na pagkain.

Ano na ang mangyayari sa ating lahat, pati mayayaman ngayon ay unti-unti ng kinakapos dahil bagsak ang mga negosyo. Ang mga big time o rich families ay kinukuwenta na ang kanilang pera kung hanggang kailan mabubuhay. ‘Yung kasabihan na ‘di maubos-ubos ang pera ay nagtitipid na dahil walang pumapasok na kita dahil puro palabas ang pera.

Ang LGU’s, ‘di na mabayaran ang mga supplier at contractors dahil umaasa sa kanilang koleksiyon sa mga magbabayad ng real property at business tax, pero sa second quarter ng taon ay ilan lang ang nagbayad.

Marami ngayon ang gustong pumunta sa simbahan upang humingi ng awa sa Poong Maykapal para tapusin na ang paghihirap na dinaranas ngayon ng ating bansa.

MILAGRO kung may katotohanan, ngayon dapat ipadama!

Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, isa itong parusa, hindi lamang tayo kinurot kundi tayo ay sinuntok-suntok na tayo ay dadapa at kailangan ang unti-unting bumangon at kailangan din na madama ang sakit o kirot ng pagkakatumba!

Abangan kung tayo ba ay muli pang makababangon?!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *