Saturday , November 16 2024

Lumang medisina laban sa bagong virus

INAKALANG pamutat lamang, ngunit sa kanilang mga magulang, sa katunayan ay mga prominenteng tagasaliksik ng medisina, ang naganap sa Moscow apartment nang araw na iyon noong 1959 ay isa palang mahalagang eksperimento na nakataya ang maraming buhay — at ang sariling mga anak ng mga magulang bilang guinea pigs.

“We formed a kind of line,” paggunita ni Dr. Peter Chumakov, na noo’y 7-anyos pa lamang. Sa bawat naghihintay na bibig, isinubo ng isang magulang ang sugar cube na dinagdagan ng pinahinang poliovirus —isang sinaunang bakuna laban sa kinatatakutang sakit.

“I was eating it from the hands of my mother,” inilarawan ni Chumakov ang proseso.

Ngayon, nakaagaw ng pansin ang nasabing bakuna mula sa mananaliksik — kabilang na yaong magkakapatid, na lumaking pawang virologists —bilang posibleng sandata laban sa bagong coronavirus, base sa pag-aaral na ginawa ng kanilang inang si Dr. Marina Voroshilova.

Pinatunayan ni Voroshilova ang buhay na polio vaccine ay mayroong hindi inaasahang benepisyo na, lumilitaw, ay mahalaga sa paglunas ng kasalukuyang pandemya: Ang mga taong nabakunahan ay hindi nagkakasakit ng ibang viral illness sa loob ng isang buwan at labis.

Naging gawi ng doktora na bigyan ng polio vaccine ang mga bata kada taglagas bilang proteksiyon laban sa lagnat.

At ngayon ay nagkaroon ng interes ang ilang mga siyentista sa ideya sa pagbibigay ng bagong layunin sa mga existing na bakuna, tulad ng may buhay na poliovirus at ang iba para sa tuberculosis, para makita kung makapagbibigay ng pansamantalang kakayahan na labanan ang coronavirus. Kabilang sa kanila ang mga Russian researcher, na humugot ng mahabang kasaysayan ng vaccine research — at ng mga tagasaliksik, na walang pakialam kung tawagin man silang mad scientists, na sinusubukan ang eksperimento sa kanilang mga sarili.

Ipinapayo ng mga eksperto na ang ideya — tulad ng mga panukalang pamamaraan sa pagbibigay lunas sa pandemya — ay kinakailangang gawin nang may lubhang pag-iingat.

“We are much better off with a vaccine that induces specific immunity,” wika ni Dr. Paul Offit, co-inventor ng bakuna laban sa rotavirus at propesor sa Perelman School of Medicine ng University of Pennsylvania, sa telephone interview.

Anomang benepisyo sa sinasabing repurposed vaccine, dagdag ni Offit, ay “much shorter-lived and incomplete” kung ihahambing sa isang tailored na bakuna.

Gayonman, sinabi ni Dr. Robert Gallo, leading advocate ng pagsusuri sa polio vaccine laban sa coronavirus, ang repurposing ng mga bakuna ay “isa sa pinakamainit na bagay na tinatalakay sa larangan ng immunology.”

Sinabi ni Gallo, director din ng Institute of Human Virology sa University of Maryland School of Medicine, na nakapagdudulot ang pinahinang poliovirus ng immunity sa isang buwan o higit, “nagagawa nitong malampasan ang sakit, at makasasagip ng maraming buhay.”

Dangan nga lang ay mayroon pa rin itong panganib.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *