Wednesday , December 25 2024

Edu Manzano, may pa-good vibes tuwing Linggo

BITIN!

 

‘Yun ang komento ko kay Edu Manzano sa ikalawang pagkakataong napanood ko ang show niya sa Metro Channel noong Linggo ng gabi.

 

Matagal na nga nila ito naplano ng mga kaibigan niya sa Metro Channel.

 

“Larpi, we did our meetings through Zoom and sending ng mga messages via text or phone calls din.”

 

 Good Vibes with Edu Manzano ang titulo ng kanyang programang digital na kalahating oras lang na mapapanood sa Channel 52 (sa Sky Cable).

 

Hindi man madalas ngayon sa labas ng kanyang tahanan si Edu, nagpapatuloy pa rin siya sa pangangasiwa sa mga pagpapadala ng mga ayuda na kanyang nasimulan bilang isang frontliner.

 

“Kaya rin siguro nabuksan itong pagsalang ko kahit 30 minutes lang online. So, I started with my kids who lives with me na. Nasa ibang bansa sina Enzo and Addie. Si Luis naman lives on his own na. 

 

“We sort of had a family bonding lang. Na nasa kanya-kanya naming mga lugar kami. Ang masaya was the throwback part. We showed pics when they were still very young. Mga memorable moments kumbaga. The humor is there. What, with Luis!

 

“Last Sunday, talagang riot. I had the privilege of guesting the members of the cast of ‘Palibhasa Lalake.’ Good thing available si Goma (Richard Gomez), Anjo Yllana and Amy Perez. I know, mahirap talaga hagilapin sa pagiging busy nila. We wanted sana Joey Marquez and John Estrada. Para mas riot.

 

“Talagang riot ang usapan kasi binalikan nila the life and times sa taping. Kung paanong one time nagalit talaga si Tita Glo (Gloria Romero), kasi nabasa siya. At the end of the show, hindi ba ‘yun ang trademark? May mabubuhusan. Ibinato ni Tita Glo ‘yung timba. Maraming kuwento. And the kuwentos were supported with videos. And I had the chance to be a guest. At nabalikan namin ‘yun.

 

“Natuwa ako sa komento mo na bitin, Larpi. Like what you said, there was something to look forward to pa in the next episodes. So, I think, tama lang ‘yung 30 minutes. For the now. Mabilis ang pacing kasi dere-derecho lang ang usapan.

 

“And this coming Sunday, July 5, 2020 the talented and lovely Cruz cousins Donna, Geneva and Sunshine will be my guests. Hindi naman tayo puro tsikahan lang. Mag-sing aling tayo this time. Sing along like no one’s listening and dance like no one’s watching.”

 

Bukod sa Metro Channel, pwede rin silang mapanood on the Metro Style’s Youtube Channel. 8:30 p.m. Linggo ‘yan!

 

Pagdating sa hosting, hindi na matatawaran ang kakayahan ng isang Edu sa nasabing larangan, na minamana na nga nang husto ng kanyang anak na si Luis.

 

“You have to get creative in this time of Pandemic. I just lost two of my pet dogs. Sad, ‘di ba? Kailangan din may way ka to connect with people, talk to most. So, that is what I will offer and share in the show. To make your Sunday viewing a Sundate to look forward to.”

 

Samahan si Edu and feel his Good Vibes!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *