Monday , November 18 2024

Maja Salvador, na-miss ang pamilya

Bagama’t enjoy naman si Maja Salvador sa pag-spend ng quarantine season with boyfriend Rambo Nuñez at sa kanyang pamilya sa kanilang ancestral home sa Puerto Princesa, Palawan, hindi pa rin maiwasang ma-homesick siya sa kanyang mga kapamilya, mother Thelma Andres in particular.

 

“Mahirap na hindi ka na-lockdown sa sarili mong bahay kasi siyempre, ‘pag sa sarili mong bahay, puwede kang humilata kahit saan, kumain ng nakataas ang paa, kung ano man ang gusto mo, ‘di ba?

 

“E, syempre ‘pag dito, very sarap naman mag-alaga ng family ni Rambo, pero iyon nga lang, hahanapin mo pa rin iyong sariling space mo minsan.

 

“Kasi ‘di ba sa sarili mong bahay, nahahanap mo iyon?

 

“Ito, talagang laging kainan, laging tawanan.

“So iyon ang experience ko sa Palawan na hindi ko nagawa sa sarili kong bahay,” Maja averred.

 

Lalong hirap raw sila ngayon dahil nag-move na ‘yung mom niya sa Canada for good, ‘tapos dalawa na lang sila ng kanyang brother rito sa Filipinas.

 

Kaya nang nangyari itong pandemic, mas kino-convince raw niya iyong kanyang Mommy na sana rito na lang sila ng kanyang Daddy Roy sa Manila.

 

Nevertheless, kahit nandito raw siya sa Palawan, kapatid niya sa Manila, Mommy niya sa Canada, almost everyday raw silang nag-vi-video call.

 

Bukod sa pag-e-enjoy sa sweet moments niya with Rambo, Maja keeps herself busy by creating workout videos for #HomeButNotAlone, a relief operation that she and Rambo initiated at the beginning of quarantine.

Na-discover daw ni Maja na habang sumasayaw-sayaw siya, puwede rin pala siyang magturo ng workout sessions online.

 

“Iyon nga po ang ginawa ko sa #HomeButNotAlone… So may mga na-e-explore ka minsan na, ‘A, puwede pala ako maging trainer.’

 

“So, bukod sa nagtuturo ka ng sayaw, ng workout session, nakapag-e-entertain ka rin… Hindi talaga nawawala sa akin iyong magbibigay saya, mag-entertain kasi hinahanap ko talaga.”

 

Ang pagsu-shoot ng kanyang exercise videos ay nakatutulong din para ma-maintain ni Maja ang kanyang slender physique even as she has a very hearty meals in the Nuñez residence.

 

“Hindi ako nakakaluto rito. Na-discover ko na mas malakas pa pala ako kumain. Kaya bawat kain ko, doble, triple iyong workout na ginagawa ko.”

 

Anyway, aware raw siya sa hirap na pinagdaraanan nating lahat, pero sana, huwag raw tayong mawalan ng pag-asa.

“Hindi madali itong pinagdaraanan natin pero kung pare-parehas po tayo, sabay-sabay tayong magdarasal, alam natin na malalagpasan natin iyong hindi natin nakikitang kalaban, which is iyong virus.

 

“At sana po, kasama ninyo ang inyong mga minamahal sa buhay kasi iyon ang magbibigay ng lakas sa tuwing gigising kayo sa umaga — na alam n’yo na kasama n’yo ang pamilya ninyo at maraming nagmamahal sa inyo.”

Paalala ni Maja, tuloy lang daw ang laban ng buhay.

 

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

 

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *