ISANG ganap nang Save the Children ambassador ang magandang aktres na si Ria Atayde. Ang Save the Children Philippines ay opisyal na winelcome ang anak ni Ms. Sylvia Sanchez bilang pinakabago nilang ambassador.
Ipinahayag ni Ria ang kahalagahan para sa mga kilalang personalidad na tulad niya na gamitin ang kanilang boses sa mga makatuturang layunin.
Esplika ng Kapamilya, aktres, “It is important for celebrities and ambassadors to use their voice and platforms for a greater cause. This role of helping our country’s children gives more meaning to my life.”
Ayon sa Save the Children Philippines, si Ria ay nangalap ng pondo para sa frontliners’ protective gear at mga pagkain, nagsagawa ng feeding programs para sa mga bata sa mga maralitang pamilya, at nagkaloob ng tulong sa mga maysakit sa pagsisimula ng pandemic.
Noong 2016, si Ria ay nag-volunteer sa Save the Children Philippines sa pagkalap ng pondo sa mga batang namamatay sa gutom at malnutrition sa Metro Manila at Southern Mindanao.
Kasama ni Ria sa Save the Children Philippines ang dating Miss World Philippines 2018 na si Katarina Rodriguez at child star na kinagiliwan ng madla sa pelikulang Miracle on Cell No. 7 na si Xia Vigor, sa pagtataguyod ng children’s rights on education and health, sa kasagsagan ng mga pagsubok na dulot ng COVID-19 pandemic.
Congrats sa iyo Ria.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio