Monday , December 23 2024

Oust Mike Dino, hirit ng Cebuanos kay Duterte (P1-B anti-COVID-19 budget ng Cebu imbestigahan)

PATALSIKIN si Mike Dino bilang presidential assistant for the Visayas.

Inihirit ito ng mga Cebuano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng online petition na may titulong “Replace OPAV Dino” na pinangunahan ng isang Juan Alfafara bunsod ng umano’y paggamit ni Dino sa kanyang puwesto para sa personal na interes, at panlalait nang tawagin na “Mga bogo silang tanan” (Mga bobo kayong lahat) ang mga Cebuano sa isang punong balitaan noong nakaraang 23 Hunyo 2020 sa Seda Hotel sa Cebu City.

“‘Mga bogo silang tanan.’ Your representative verbally abused us during a press conference with Secretaries Roy Cimatu, Eduardo Año, Delfin Lorenzana, Carlito Galvez, and Francisco Duque III last June 23, 2020 at the SEDA Hotel. This insult of Secretary Dino on Cebuanos triggered this online petition,” ani Alfafara.

Ayon sa petisyon, na sa kasalukuyan ay umabot na sa 4,321 katao ang lumagda, dapat imbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang pagbili ng P30-milyong halaga ng rapid test kits ng Cebu City government para sa mass testing project ni Mayor Edgar Labella na hinihinalang pinag­kakitaan ng ilang opisyal ng Office of the Presidential Assistant for Visayas (OPAV) at lokal na pamahalaan ng Cebu City.

“The Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) should investigate these purchases because it would shed more light into how OPAV and certain Cebu City officials earned millions and messed up the city’s anti-COVID-19 response,” saad sa petisyon.

Kung umasta aniya si Dino ay mistulang ‘panginoon’ ng tatlong highly urbanized cities (HUCs) — Cebu City, Mandaue City, at Lapulapu City, at si Labella umano’y sunod-sunuran sa kanya lalo na’t maraming business transactions ang OPAV boss sa siyudad.

Nagmamantina umano ng troll base si Dino sa Cebu City Hall sa ilalim ni Cebu City Administrator Floro Casas para umatake sa mga kalaban sa politika gamit ang pera ng bayan.

Sa umpisa pa lamang umano ng COVID-19 crisis ay agad inaprobahan ni Labella ang paglabas ng P1 bilyon pondo para tustusan ang kampanya kontara COVID-19 nang walang malinaw na plano at hanggang sa ngayon ay hindi umano nagsu­sumite ng ulat kung paano ito ginastos.

Kinuwestiyon din sa petisyon ang mga binili ng Cebu City LGU na umano’y overpriced na 60,000 packed meals sa halagang P49.5 milyon; 25-kilo sack well-milled rice sa presyong P1,400 per sack, at isang 50-kilo sack ng well-milled rice sa P2,500 per sack; isang lata ng sardinas sa presyong P22 kada isa.

Imbes mga opisyal ng barangay ang namahagi ng ayuda ng gobyerno sa mga tao, pinolitika ito at namahala ang Mayor’s Information and Liaison Officers (MILO) sa utos umano ng tanggapan ni Dino.

Minadali rin umano ang pagtatayo ng P100-M halaga ng quarantine facility ng Cebu City Hall sa impluwensiya ni Dino pero nagmukha itong bodega kaysa medical facility sa North Reclamation Area, malapit sa SM City Cebu.

“Sec. Mike Dino announced in his speech that they have saved half of the P100M budget because of ‘donations’ from private individuals. But more questions sprouted: Who donated? How much? Why put donations on a non-strategic construction when there are more pressing concerns like frontliners’ support, barangay assistance, and similar urgencies?”

May hinihiling umanong P240 milyon si Labella na aprobahan ng City Council para pondohan ang pagtatayo ng command center na kinuwestiyon din sa petisyon.

Lahat umano ng major government projects ay kailangan dumaan sa mga ‘mata’ ni Dino.

“There is a breakdown of discipline in the city. All over social media amongst Cebuanos, the most common question is around ‘Who is the City’s Mayor?’ alluding not only about the confusion as to the many little mayors at City Hall; but also the existence of a higher power, the OPAV, that is dictating every strategic policy move of the 3 highly urbanized city mayors, especially where there is a chance to make a business deal and earn a profit,” ayon sa petisyon.

Tinukoy sa petisyon ang umano’y kilalang ‘cohorts’ ni Labella na sina “former Special Assistant to the Mayor, Atty. Joey Daluz (recently  appointed MCWD Chairman by no less than Mayor Labella); Councilor Raymond Alvin Garcia; City Administrator Atty. Floro Casas, Jr.; and City Legal Chief, Atty. Rey Gealon.”

“On the side of Sec. Mike Dino, his cohorts are the following: Asec. Jonjie Gonzales, and a certain Mike Pato.”

Napag-alaman na si Dino ay isa sa mga tumulong sa kampanya ni Pangulong Duterte noong 2016 presidential elections ngunit ang mas malaking grupo ng Cebuano na umayuda rin ay naetsapuwera nang maluklok siya sa OPAV.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *