Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jillian Ward, humahataw ang business na Wonder Tea

KAHIT fifteen years old pa lang ay likas na talaga ang pagiging business minded ni Jillian Ward. Sa ngayon, humahataw na ang naipundar niyang negosyo, ang Wonder Tea na unti-unting dumarami na ang branches.

Inusisa namin ang magandang young star ng Prima Donnas kung bakit milk tea ang naisipan niyang gawing business?

Sagot ni Jillian, “Dahil po halos araw-araw po kaming lumalabas at bumibili ng milk tea noon, kaya naisipan po namin ng family ko na mag-open ng milk tea shop namin. Para rin po may iba’t ibang flavors na ma-try ‘yung mga tao. With almost 40 drinks po sa menu, I’m sure na may mga iba silang lasa na nadi-discover dahil sa Wonder Tea.

“Ang specialty po namin is almost lahat po ng cream cheese and cream puff sa menu. Personally po, favorite ko ‘yung Oreo Cream cheese namin. Best seller po is Wintermelon with or without cream cheese and Matcha with cream puff or cheese.”

Pahayag pa ng teenstar, “May two branches na po kami so far, pero mag-o-open na po kami ng isa pa, soon. Sa Pampanga pa lang po kami nakapuwesto. Sa Guagua, Pampanga po right beside PMSH and sa Floridablanca Sports Center. Baka po by September, open of franchise na rin po kami.”

Ano ang maipapayo niya sa mga tulad niyang kabataan na kahit sa murang edad ay sumasabak na agad sa business?

“Ang maipapayo ko po sa kanila is to not give up. Don’t forget kung bakit po nila sinimulan ‘yung business nila in the first place.

“May mga time po talaga na nasa baba, or nasa taas, but no matter what happens, be there to bring joy lang sa mga tao, and always pour your heart in whatever you do,” nakangiting saad pa ni Jillian.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …