Thursday , December 26 2024

Gladys, may online acting workshop na

MAGKAKAROON na ng sariling online acting workshop si Gladys Reyes.

 

Gusto kasing ibahagi ni Gladys ang kaalaman niya sa pag-arte lalong-lalo na sa pagiging effective na kontrabida sa mga baguhang gustong malinya rito.

 

Post nga ni Gladys sa kanyang Instagram“Maraming nagtatanong sa akin, paano raw maging kontrabida na ‘di kailangang maging masama sa totoong buhay para lang magampanan ng makatotohanan. Bata pa ako, ito na ang gusto ko…umarte!”

 

Nagsimula si Gladys  sa Little Miss Philippines noong 1984 na isa siya sa naging runner-up. After niyon ay nagsunod-sunod na ang suwerte niya sa showbiz na napasama pa sa pelikulang Baby Tsina ni Vilma Santos.

 

Pagbabalik tanaw ng aktres, “My first screen test was Baby Tsina as Ms. Vilma Santos’s daughter. 

 

“I had my first acting workshop under the multi-awarded director, the late Direk Marilou-Diaz Abaya. ‘Di ako nagmamarunong, I just want to share what I have learned in my 36 years in the business.” 

 

Hanggang ngayon ay sunod-sunod pa rin ang proyektong ginagawa ni Gladys.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *