NAGTAYO ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng bagong stalls sa Ilaya Street sa Divisoria.
Ang mga bagong vending stalls, kulay asul at may sariling linya ng koryente.
Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagos, ang mga dating vendor sa Ilaya ang prayoridad at minimal lamang ang babayaran.
Itinayo ito sa magkabilang bahagi ng kalsada kaya isang lane na lamang ang madaraanan ng mga sasakyan.
May stall number din ang bawat tindahan para madaling hanapin ng kanilang mga customer.
Nangangamba ang iba pang tindera sa lugar dahil posibleng matakpan ang kanilang tindahan ng mga bagong stall.
Ani Mayor Isko, wala dapat vendors sa bangketa na daanan ng mga tao.
Sarado sa ngayon ang mga stall na balak ilagay sa iba pang parte ng Divisoria. (VV)