Tuesday , May 13 2025

6 ‘POGO’ pumuga sa QC, balik-hoyo sa QCPD

DINISARMAHAN, kinasuhan, pinakulong at sinibak sa puwesto ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, ang 12 pulis ng Quezon City.

 

Iyan ang agarang aksiyon ni Montejo laban sa 12 pulis makaraang matakasan ng 6 Chinese national nitong Lunes ng gabi sa kanilang pansamantalang piitan sa multipurpose hall ng QCPD sa Kampo Karingal.

 

Ang anim ay kabilang sa inarestong 51 Chinese national kamakailan sa lungsod dahil sa ilegal na pagpapatakbo  na “POGO” at nahaharap sa syndicated large scale estafa.

 

Natuklasang nakatakas ang anim nang magsagawa ng routine head counting dakong 9:30 pm, nitong Lunes, 22 Hunyo. Kaya nang makarating sa kaalaman ni Montejo, hindi na siya nagpatumpik-tumpik.

 

Bukod dito, pinagsisibak ni Montejo sa puwesto ang 12 pulis na naka-duty nang mangyari ang pagpuga.

Ang mga pulis ay pawang nakatalaga sa District Mobile Force Battalion sa Kampo Karingal.

Hindi lang pinagsisibak, dinisarmahan at ipinakulong din sila ni Montejo sa selda ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa nasbaing kampo.

Sabi ni Montejo, nang makausap, kanyang kakasuhan sa QC Prosecutors Office ang 12 pulis, isa rito ay opisyal na may ranggong major.

Inatasan ni Montejo ang CIDU na pinamumunuan ni P/Maj. Elmer Monsalve na magsagawa ng malalimang imbestigasyon – kung paano nakatakas ang 6 Chinese. Aalamin kung nakatakas ba o pinatakas…at aalamin kung may kumita sa pagtakas o pagpapatakas.

Patay kayo ngayon kay Montejo, malalaman at malalaman niya rin ang katotohanan niyan. Kaya kung sakaling may kumita sa takasan na ito, naku po humanda na kayo. May paglalagyan kayo.

Siyempre, kasama sa direktiba ni Montejo ang manhunt operation laban sa mga dayuhan. Nang makarating kay Montejo ang insidente, naniniwala siya na hindi pa nakalalayo ang mga tumakas at dahil pawang mga dayuhan ay walang mapupuntahan.

Ayon kay Montejo, pinaikutan o nagpatrolya ang kanyang mga pulis sa karatig barangay ng kampo. Hayun, Martes ng gabi, 23 Hunyo, dakong 9:30 pm ay nakatanggap tayo ng text message mula kay Montejo. Good news ang kanyang nai-text. Ano iyon?

Balik-kulungan na ang anim na dayuhan…nadakip sila sa kanto ng Mapagkumbaba St. at Polhencio St., Barangay Krus na Ligas, QC. Alam n’yo ba kung saan sila nagtago at kung bakit nagsilutangan sila?

Sa mga madamong kanal sa Krus na Ligas…at naglutangan sila makaraang tumaas ang tubig sa kanal at imburnal bunsod ng malakas na ulan. Kung baga, para silang mga palaka na naglulutangan kapag umulan. He he he…

Bukod rito, naniniwala si Montejo na isa sa dahilan ng paglutang ng anim ay pagkagutom.

Nahuli na ang anim pero, hindi pa rito nagtatapos ang lahat, ang wika ni Montejo. Aniya kailangan ang masusing imbestigasyon para malaman kung ano ang nasa likod ng pagtakas ng anim. Pinatakas ba o nakatakas? May kumita ba?

Ano pa man, Gen. Montejo congratulations gayondin sa inyong mga tauhan na nagkaisang lutasin ang kaso.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *