Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wilbert Tolentino, isang visionary businessman at LGBTQia icon

SA unang sulyap, tila marami ang maiintriga o masisindak kay Wilbert Tolentino. Si Wil (nickname niya) ay tisoy, matangkad, maskulado, guwapito, at bigotilyo, na animo isang Hapon.

Sa biglang tingin ay mukha siyang isang Yakuza master, lalo na kapag tumambad ang colorful at artistic niyang mga tattoo (na makikita mula ibaba ng batok hanggang binti niya pati na sa magkabilang braso). Although, puwede rin siyang mapagkamalang lover boy na handang magpaligaya sa mga nalulungkot na matrona.

Ngunit kapag hinimay nang husto ang buo niyang pagkatao, ang lalabas ay isang mabait at matulunging nilalang, na may unique na personality.

Bukod sa itinanghal na Mr. Gay World Philippines 2009, siya ay kilalang philanthropist, social media influencer, successful entrepreneur, Mr. Gay World Philippines National Director, at leading LGBTQia icon.

Si Wil ay isang visionary businessman at leader na may foresight at may pagmamalasakit sa kanyang mga nasasakupan. Isang mabuting kaibigan, mapagmahal at mapagkalingang ama, totoong tao, isang nilalang na may ginintuang puso, at higit sa lahat, isang anak ng Diyos na handang i-share ang bawat biyayang kanyang natatamo.

Hindi ko man siya ka-close, iyon ang nakita ko sa ilang presscons ni Wilbert at sa mga panayam namin sa kanya. Lalo na sa mga post niya sa Facebook, sa kanyang FB live, at pati na sa mga nakakaloka, ngunit nakaka-aliw niyang Tiktok.

Idagdag na rin dito ang personal kong narinig at pati na sa mga nabasa kong feedback sa FB nang tila walang katapusang pasasalamat mula sa kanyang mga kaibigan at empleyado ukol sa kabutihan ni Wilbert, lalo na nang dumating ang mapaminsalang Covid19, tunay na maituturing na isa siyang blessing sa marami.

Si Wilbert ay isang typical na nilalang na nakararanas din ng pagkakadapa sa mga pagsubok at dagok ng buhay, ngunit hindi siya sumusuko at sa muling pagbangon ay mas lalong nagiging matatag.

Siya ang nasa likod ng matagumpay na business ventures na Fahrenheit, The One 690, at Apollo, world class male entertainment & KTV bar. Kaya puwede rin siyang bansagang Grand Papa ng LGBTQia entertainment community.

Actually, ini-level up ni Wilbert ang naturang bars sa makabagong panahon at high standard caliber ng entertainment.
“Sa pagdaan ng panahon, babae na ang nagsusulputan sa ganitong klaseng entertainment bar. Hindi na solo ng mga kabadingan. Puwede na sa lahat ng gender. Hindi na kailangang magdalawang isip pa ang mga babae para pumasok. ’Old school gay bar’ no more,” saad ni Wil sa isang panayam.

Incidentally, ang kanyang mga establisimyento ay equipped ng auto disinfectant passage system. Ito ay isang high tech na pamamaraan para siguraduhing ligtas ang mga papasok sa kanyang bars. Una ay kukunin muna ng machine ang temperature ng papasok ditong indibidwal, tapos ay huhugasan ng alcohol ang kanyang kamay, at panghuli ay idi-disinfect siya. Ang sistemang ito ay ginagawa na machine lang ang gamit.

Ilan ito sa rason kaya kumbinsido akong isang visionary businessman si Wil.

Bahagi naman ng kanyang advocacy ang HIV/AIDS, kaya patuloy niyang itinataguyod ang Mr. Gay World Philippines na kabilang sa kanilang misyon ang Early Detection Program at pag-alis sa stigma ng testing nito.

Sa panahon ngayon na tila marami ang mas pinahahalagahan at pinapanginoon ang pera, sadyang kapuri-puri ang mga tulad ni Wilbert na ang mas nagmamarka sa kanyang kabuuan ay ang pakikipag-kapwa tao, pakikisama, pagkalinga, at pagmamalasakit sa mga karapat-dapat na nilalang.

Wil ang tawag sa kanya, at hindi man siya tulad ni Willie Revillame na laging handang magbigay ng jacket, nakikita ko kay Wil ang isang matulunging kaibigan na laging nandiyan upang magbigay ng suporta.

Wish ko na sana ay may lahing Gremlins si Wil, para tuwing siya’y mawiwisikan ng tubig ay magmu-multiply o darami pa ang gaya niya. Masarap kasing isipin na kung ang ating mundo ay maraming tulad ni Wilbert, tiyak na mas maraming pang-unawa, biyaya, oportunidad, pag-asa, at pagmamahal ang kakalat at yayabong pa sa ating mother earth!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …