Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiza, may hugot—Hindi ako perfect na Nanay

KAHIT naman pala nananahimik na siya sa buhay na mas niyakap niya sa ibang bansa, hindi pa rin pala tinatantanan ng mga “energy vampires”  itong dating artistang si Aiza Marquez.

 

Nagka-pamilya na sa New York si Aiza at may dalawang anak na. Pero single mom na.

 

“I’m gonna say this for the last time…

 

“Hindi ako perfect na Nanay. Hindi rin ako top notch. First time kong maging mag isa na hindi kasama ang sarili kong pamilya sa loob ng bahay. 

 

“First time ko din maging Single mom sa 2 bata. Masasabi ko I’m still learning how to handle things with 2 kids on my own. I’m still learning how to be a “Super Woman” that they expect me to be. 

 

“I’m still learning how to be an “All around MOM” and keeping myself sane at the same time. I’m sorry for disappointing your expectations. 

 

“I’m sorry IF I’M NOT PERFECT ENOUGH. I’m sorry if I’m still learning how to be a SINGLE MOTHER. I’m sorry if you are waiting for me to FAIL. 

 

“Proud ako sa mga anak ko how they appreciate little things. Nakakapagantay sila sa bagay Na hindi mabigay agad agad. How they appreciate simple things with me at kung pano rumespeto makipagusap sa ibang Tao. Marami pa akong dapat matutunan sa situation Na Meron ako. Marami pa..

 

“But before you say things about other people make sure YOU LOOK AT YOURSELF IN THE MIRROR FIRST. Tignan mo kung Anong klaseng puso ba meron ka. Tignan mo kung perfect ka ba. Tignan mo kung Ano Ano ba ang nagawa mo sa kapwa mo. Sa buhay mo. Sa buhay ng ibang tao…”

 

Hindi naman matukoy kung sino o sino-sino ang mga tinukoy ni Aiza in her post. Kung saan nag-uugat ang lahat.

 

Kamakailan ay na-interview pa siya online kasama ang mga dating kagrupo niya sa telebisyon at pelikula.

 

Sana nga, hindi naman siya sumuko sa mga laban niya sa buhay.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …