Saturday , November 23 2024

Pangamba vs third telco itinaas pa (Papel ng ChinaTel banta rin sa privacy ng internet subscribers — solon)

 LOMOBO pa ang pangamba na magdudulot ng panganib, hindi lang sa seguridad ng Filipinas, ang partisipasyon ng China Telecom sa tinawag na Third Telco na ang prankisa ay naipagkaloob na ng Kongreso sa Dito Telecommunity consortium.

Sa Kamara ay nadagdagan ang boses ng pagsalungat sa papel ng China Telecom nang sabihin ni Deputy Minority Leader Isagani Zarate na may mga bagong isyung kinasangkutan ang state-owned telecom ng China na kung mapatunayan ay lubhang mapanganib, hindi lang sa seguridad ng bansa, kundi maging sa privacy ng bawat internet subscribers.

Ipinaliwanag ng mambabatas na isang mapagkakatiwalaang watchdog sa industriya ng telekomunikasyon ang naglahad ng ulat na umano’y may namumuong ‘malware’ o isang uri ng virus na gawang China na puwedeng i-hack o dumukot ng SMS data mula sa mga texters.

Binanggit ni Rep. Zarate ang FireEye Mendiant, isang telecom watchdog na sumusubaybay  sa malware na tinawag na “MessageTap” na pinagdudahang magagamit ng China para i-monitor at i-save ang mga ‘madudukot’ nilang messages mula sa pribado man o taga-gobyernong subscribers ng ibang cellular networks.

Dagdag ng deputy minority leader: “Worse China has been charged by many countries of espionage using its telecom companies, aside from the very fact that its information technology experts are now running the energy grid of our country.”

“Nangyayari ang pagpapaubaya natin sa kontrol ng teknolohiya ng Tsina sa ating energy grid at telecom infrastructure habang umiigting naman ang isyu ng kanilang pananakop sa ating mga karagatan at baybayin,” dagdag ng kongresista.

Isa pang miyembro ng Kamara ang nagpahayag na dapat repasohin at irekonsidera ng Kongreso ang papel ng China Telecom sa loob ng third telco at sa national grid ng bansa dahil nga sa isyu ng national security.

“Maging ang posisyon natin sa pagbawi sa mga islang kinubkob ng Tsina ay humihina dahil sa mga kompromisong pinasok ng ating gobyerno sa kanilang mga mamumuhunan,” pahayag naman ni Rep. France Castro.

Nauna rito ay nagpahayag na rin ng pangamba si Sen. Grace Poe, chair ng Senate public service committee, sa pagkontrol ng China Telecom sa ating internet traffic na posible umanong gamitin ng kanilang gobyerno laban sa interes ng ating bansa at ng mamamayang Filipino.

Maging si Sen. Francis Pangilinan ay may nauna nang babala na posible rin gamitin ng nasabing state-owned China Tel ang kanilang mando na mangalap ng mga impormasyon para sa kanilang gobyerno alinsunod sa kanilang batas na National Intelligence Law of 2017.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *