Saturday , November 23 2024

Panawagan sa kalahok: Libreng seminar ng KWF para sa mga editor ng teksbuk sa mga probinsiya

NANANAWAGAN ang Komisyon sa Wikang Filipino sa mga editor ng mga teksbuk sa mga probinsiya na maging kalahok sa ikalawang libreng online seminar sa Ortograpiyang Pambansa (OP) at KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP).

Layon ng seminar na mapaglingkuran ang mga editor upang mas mahasa pa ang kanilang kasanayang pangwika kaugnay ang mga kasalukuyang tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa.

Naglalaman ang OP ng mga tuntunin sa pagbaybay sa wikang Filipino habang nagsisilbing patnubay sa masinop at maayos na pagsulat ang MMP para sa mga editor, guro, at mag-aaral.

Sa kabuoan, mayroong 12 module at may malawak na talakay ang mga ito hinggil sa Alpabetong Filipino, kambal-patinig, reispeling, paggamit ng bantas at tuldik, at iba pa.

Matapos ang mga module, magkakaroon din ng inter-aksiyon ang mga editor sa mga nangangasiwa ng seminar upang mapayaman pa ang kanilang pagkatuto.

Bahagi ito ng serbisyo ng KWF sa mga editor at iba pang propesyonal na katuwang ng natatanging ahensiyang pangwika ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng wasto at modernong Filipino sa sistemang edukasyon.

Kinakailangan lamang magpadala ng email na may pangalan at kinabibilangang publishing house ang mga interesadong pabliser at kanilang editor sa [email protected].

Tatanggap ang KWF ng mga aplikasyon hanggang 30 Hunyo 2020.

http://kwf.gov.ph/panawagan-sa-kalahok-libreng-seminar-ng-kwf-para-sa-mga-editor-ng-teksbuk-sa-mga-probinsiya/

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *