Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Pagsupil sa katotohanan  

HINDI maaalis sa isipan na naimpulwensiyan ang desisyon ng hukom sa kasong cyber-libel ni Maria Ressa.

 

Nagsilbing clerk of court ng RTC Branch 199 ng Las Piñas City si Judge Reinalda Estacio-Montesa ng RTC Manila Branch 46. Mula roon ay nagsilbi siya bilang hukom sa Mindanao bago siya italaga sa Manila.

 

Iitinalaga ni Presidente Duterte si Jacob Montesa bilang presiding judge ng RTC. Branch 63 ng Makati nung December 2, 2019. Ngayon, malaya si Ressa dahil sa piyansa na ipinagkaloob ng husgado bago patawan ng sentensiya.

 

Dalawa ang mapupunang reaksiyon mula sa madla. Iyong una ay pagbubunyi mula sa mga kaalyado ng pangulo. Sa kabila, ang pangamba halo ang pagkamuhi, dahil nababatid nila ang paghihigpit sa karapatan sa malayang pamamahayag.

 

Ayon kay Carlos Conde ng Human Rights Watch, sa panayam niya sa Al Jazeera, ang kaso laban kay Ressa at Santos ay hindi na dapat isinampa. Ani Conde: “The absurdity of this particular case against Maria Ressa – prosecutors deemed the story in question ‘republished’ after Rappler corrected one word that was misspelled – suggests the desperation of those behind it to silence her and Rappler.”

 

Hindi ka dapat magkaroon ng diploma sa abogacía para maintindihan ito. Sa isang online forum noong Lunes nagsabi si Atty. Chel Diokno na lalabanan nila ang desisiyong ito. Ani Atty. Diokno: “There’s a strong need for us to generate a lot of public opinion, a lot of press on the government, on the courts, to look very deeply into this case. The ramifications of this case go deep into whether we can still call the country a real democracy.”

 

***

KAPUNA-PUNA ang opinyon hinggil sa napipintong Anti-terror Law. Marami ang natatakot mawala ang karapatan nilang magsalita laban sa pamahalaan at bansagan silang mga terorista. Ayon kay presidential spooksman Harry Roque, nakaamba na si Duterte para pirmahan ang Anti-Terror Law.

 

Bakit kailangan gamitin ang mga salitang ganyan? Para ba humanda tayong lahat dahil nakaamba na si Duterte, at hahambalusin tayong lahat? Dapat na lang bang pumikit na lang tayo at hintayin ang bigwas? Ito ang ginagawa ng isang matinong tagapagsalita? Ito ba ang ginagawa ng isang matinong pangulo?

 

Hindi tayo dapat mabuhay sa ilalim ng pananakot na gustong ipairal ng pamahalaan ni Duterte. Hindi tayo dapat manatiling tikom ang bibig dahil ang pagiging tahimik ay parang sumasang-ayon tayo na muling supilin at busalan ang bibig sa ilalim ng isa pang diktadurya.

 

Ang malayang pagsasalita ay nasa ating Saligang-Batas, ito ay nangingibabaw sa lahat, at ito ay ating kalasag laban sa pang-aapi at panggagapi. Walang sinuman ang puwedeng alisin ito.

 

***

ANI Education Secretary Leonor Brion,  ang telebisyon at radyo ay makadaragdag-tulong sa mga online platforms sa pagbubukas ng mga klase sa Agosto. Pero noong Lunes ng gabi sinabi ni Pangulong Duterte na maghahanap siya ng kaukulang pondo pambili ng mga transistor radio para sa mga liblib na lugar bilang alternatibong paraan para makatulong sa mga mag-aaral ngayong panahon ng COVID-19.

 

Ani Duterte: “Ang radyo hindi naman mahal. Baka kung matagal ito talaga, sayang ang panahon. We might buy the radio at 300 pesos. Mabigay sa lahat ng barangay para ‘yung mahihirap may communication sila sa mga teacher nila.”

 

Hindi ba mas praktikal at makamumura para sa gobyerno na imbes bumili ng transistor radio bigyan na lamang ng bagong prankisa ang ABS-CBN? Bakit ko nasabing mas praktikal at makamumura ito? Heto ay base sa mga sumusunod:

 

Ang ABS-CBN ay meron nang impraestruktura, mga relay station, transmission towers, at satellite links sa buong Filipinas, at ang gagawin lamang nila ay paandarin ito. May mga educational programs na ang ABS-CBN, na puwedeng gamitin ng mga guro para ayuda sa pagtuturo. Ang karamihan ng mga bahay ay may mga TV kahit sa mga liblib na lugar. Ang mahalaga ay may koryente sa mga lugar na iyon, bukod sa palakasin at palawigin ang internet connectivity upang makapag-interact ang mga guro at mga estudyante kahit online.

 

Sa tingin ko mas may katuturang tustusan ito ng pamahalaan kaysa transistor radio, na luma na ang teknolohiya. Makatutulong ang DedEd sa online education sa pamamagitan ng pagtatayo ng online class lesson plans para sa mga guro. Dapat din pondohan ang mga router, partikular ang mga personal computers para sa mga estudyante, na puwedeng pagtulungan ng DepEd, mga magulang, guro, at mga pribadong kumpanya.

 

***

 

Ang chairman pala ng National Grid Corporation of the Philippines ay si Guangchao Zhu na taga-Mainland China. Maiintindihan ko kung si G. Zhu ay chairman ng isang multinational corporation pero ang National Grid Corporation of the Philippines?

 

Bakit pumayag ang gobyernong Duterte na pamunuan ng isang banyaga ang goverment owned and controlled corporation? Ito ay isang malaking kataksilan ng gobyernong Duterte.

 

[email protected]

 

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *