PATULOY na umiiral sa bansa ang mahigpit na quarantine protocols at kasalukuyang umaangkop ang lahat sa tinatawag na ‘new normal’ kaya tinitiyak ng McDonald’s Philippines ang kaligtasan ng kanilang mga kustomer habang pinangangalagaan ang kalugusuan ng kanilang mga empleyado.
Sa inilabas nilang M Safe video, ipinakita ng McDonald’s kung paano nila ginagawa ang dagdag na pag-iingat para sa kanilang mga empleyadong naghahanda, nagsisilbi, at naghahatid ng kanilang mga pagkain nang ligtas at malinis sa kanilang mga kustomer.
Maaaring mapanood ang buong video sa link na ito: https://www.facebook.com/McDo.ph/videos/304021173969282/
“Quality, service, value and cleanliness have always been integral parts of McDonald’s culture. These have guided us throughout the years of providing delicious food and feel good moments for Filipino communities. Now that we welcome everyone back to our stores for dine-in, we make sure to leverage this constant commitment as we elevate and strengthen our existing measures for the uncompromised safety of our people and our customers,” pahayag ni Kenneth S. Yang, pangulo at Chief Executive Officer ng McDonald’s Philippines.
Para sa McDonald’s, kung garantisadong pinangangalagaan ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado, makasisiguro silang masisiyahan ang kanilang mga kustomer.
Simula noong magsimula ang quarantine, sineguro ng McDonald’s na hindi lamang ang kanilang mga produkto ang malinis at ligtas, pati na rin ang kanilang mga empleyado.
Upang matiyak na ang kanilang mga empleyado ay ‘fit to work,’ kinakailangang regular na magpasa ng ‘health declaration form’ at ‘fit to work clearance’ kung sakaling makaranas sila ng mga sintomas na may kaugnayan man o wala sa COVID-19.
Bukod dito, araw-araw din sumasailalim sa ‘health checks’ kasama ang pagkuha ng kanilang temperature bago at pagkatapos ng kanilang mga shift.
Binigyan din ng kompanya ang kanilang mga empleyado ng face mask at face shield, hand gloves at care kit na naglalaman ng bitamina, face mask, at sanitizer.
Ipinag-utos sa empleyado ng McDonald’s ang madalas at palagiang paghuhugas ng kamay, physical distancing sa dining, kitchen area, at iba pang lugar sa loob ng branch.
“It is important for us to ensure the safety and health of our employees so they keep customers safe and continue to deliver quality service to our customers,” dagdag ni Yang.
Simula noong Lunes, 15 Hunyo, unti-unting binubuksan ng McDonald’s ang kanilang mga branch para sa kanilang dine-in customers.