Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Halaga ng Awit

He who sings frightens away his ills.  

— Miguel de Cervantes

 

PASAKALYE:

Huli man daw at magaling, pagbati sa ating kaibigan, kumpare at bossing — JERRY SIA YAP — sa okasyon ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong nakaraang 8 Hunyo.

 

* * *

 

DAHIL sa pandemyang coronavirus, hindi na umaalingawngaw ang mga awit sa karamihan ng mga simbahan; ang mga hymnal ay nakatabi habang ang mga projection screen ay blanko, sa kabila ng pagpaplano ng pagbubukas muli ng mga lider ng pananampalataya, nagbabala ang mga siyentista na maaaring masyadong maaga na payagan o ibalik ang pag-awit ng mga grupo sa pagsamba.

Nauunawaan man ang mga pagbabawal na ito, inaagaw pa rin nito sa mga kongregasyon ang isang mahalagang aspekto ng pananampalatayang Kristiyano.

Gaya nga ng sinabi ng Apostol Pablo sa Epeso 5:19, “(Ang mga mananampalataya) ay mangag-uusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangag-aawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon.”

Kritikal ang pag-awit sa pagkakakilanlan at pananampalataya. Sa ilang mga tradisyon, ito’y kasing halaga ng sermon, at sa ilang simbahan, halimbawa, may katumbas na pagdidiin sa importansiya ng pagbibigay aral, panalangin at pag-awit.

Makikita ang pinagmulan ng kahalagahan ng pag-awit sa pagsamba ng mga Kristiyano sa panimulain ng Judaismo. Sa buong Biblical canon, ang Apocrypha, na koleksiyon ng mga aklat na inalis sa Bibliang Protestante at mga non-canonical biblical text, may daan-daang pagbabanggit sa pag-awit ng mga Kristiyano.

Sa Lumang Tipan, ginagamit ang pag-awit sa pagpuri ng Panginoong Diyos at gayondin sa pagbibigay ng mga aral sa komunidad, pangungumpisal ng mga kasalanan, at pakikiramay sa mga panahon ng pagdadalamhati at kasiyahan. Halimbawa, pinarangalan nina Moses at kapatid na si Miriam ang milagrosong exodus mula sa Ehipto sa pamamagitan ng awit.

Sa katunayan, ang mga sinunang Kristiyano ay inaawit ang kanilang mga panalangin, at ang Aklat ng Salmo — na koleksiyon ng 150 awit at proklamasyon —ay nagsisilbing sinaunang simbahan.

 

Kahit ang Bagong Tipan ay liglig sa mga awit. Sa Aklat ni Santiago, umawit sina Apostol Pablo at kanyang kasamang si Silas para mapalaya sa kanilang bilangguan. Matapos ang Huling Hapunan, pinangunahan din sa pag-awit ng Panginoong Hesus ang kanyang mga disipulo.

Bilang konklusyon, masasabi nating may malakas na kapangyarihan ang pag-awit — espirituwal at pisikal.

 

* * *

 

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …