Monday , December 23 2024

Online Banana-Q selling ni Juan Dela Cruz, pinabubuwisan na

PINATUNAYAN ng gobyerno (ngayon panahon ng pandemic) ang kanilang responsibilidad sa mamamayan nang magsimula ang community quarantine noong 15 Marso 2020.

 

Naging kaliwa’t kanan din ang pagbibigay ng ayuda – relief goods hanggang sa cash aid “Social Amelioration Program.” Katunayan, nasa second tranche na ang pagbibigay ng ayuda – cash aid na P5,000 hanggang P8,000.

 

Hindi lahat ng Pinoy ang nakinabang  dahil may pinagbasehan ang gobyerno kung sino ang mga nararapat na bigyan. Bagamat, mas nakararami ang hindi inabutan ng SAP kaysa nakinabang.

 

Ano pa man, malaking halaga ang iniluwal ng gobyerno, umabot rin ng bilyong piso. Nagkautang-utang na nga rin ang bansa para sa mga pangangailangan, hindi lang para sa ayuda kung hindi para rin sa mga kagamitan sa ospital – gamot, personal protective equipment, at iba pang logistics needs para sa ospital na gagamitin sa mga kababayan natin positibo sa COVID 19.

 

Sa mahigit dalawang buwan na lockdown, malaki ang nawala sa gobyerno maging sa mga negosyante. Masasabing bilyon ang nawala kaya, medyo ‘pilay’ ang pamahalaan ngayon.

 

Siyempre, kailangan makabawi o makabangon ang pamahalaan lalo na ang ekonomiya ng bansa. Pero sa situwasyon ngayon kahit na dahan-dahan na tumatakbo ang ekonomiya, mahihirapan pa ring makabawi ang pamahalaan. Basta’t nandiyan ang virus, hindi pa rin normal ang lahat.

 

Sa pangongolekta lang naman ng buwis makababawi ang gobyerno pero, ano naman itong kahit magtuturon, nagbebenta ng bibingka  at iba pa sa pamamagitan ng social media “online seller” ay bubuwisan na  rin ng gobyerno.

 

Tsk tsk tsk…desperado na ba ang gobyerno?

Teka, ba’t pinag-iinitan yata ng gobyerno si Juan Dela Cruz na sinisikap lang mabuhay ngayong panahon ng pandemic. Barya lang ang kinikita dito pagkatapos bubuwisan pa. E ano na’ng matitira kay Juan Dela Cruz niyan?

 

Hindi naman lingid sa atin kaalaman na lumakas ang online selling simula nang lockdown. Isa sa pinakadahilan ng marami ay gusto lang mabuhay pero, ano naman iyan. Plano nang buwisan o bubuwisan na nga ng BIR ang online sellers. Kawawang Juan Dela Cruz, sinubukan lang magbenta ng Banana Q sa social media, hayun bubuwisan na siya. Ano ba naman ‘yan!

 

Teka ba’t ang mga Pinoy na nagsusumikap mabuhay ngayon pandemic ang pinag-iinitan? Hindi ba may utang na bilyong pisong buwis ang POGO sa pamahalaan? Hindi ba dapat sila ang habulin ng BIR? Ano ang meron at tila ilag yata ang BIR na habulin ang POGO?

 

Para saan ba ang BIR? Para habulin lang ang mahihirap na nagsusumikap mabuhay para kumita ng pangkain man lang habang ang mga may malaking kita o utang na buwis sa pamahalaan ay tutulugan na lamang nila?

 

Kawawang mga Pinoy…sana’y naging POGO na lamang sila para ‘katakutang’ habulin ng BIR.

Ano pa man, sabi ng BIR, ang mga bubuwisan lang na online sellers ay iyong kikita ng mahigit sa P200,000 sa loob ng  isang taon pero kinakailangan pa rin magparehistro sa ahensiya ang banana Q online selling ni Mang Juan.

 

Sa pamunuan ng BIR, nakapagbayad na ba ang mga POGO sa pagkakautang nila sa bansa – nagbayad na ba ng bilyong pisong buwis?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

 

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *