GABI-GABI na lang…sa pagtulog ko…
Yes! Mga linya ‘yan sa nag-hit na kanta ni Chad Borja in the 90s na Ikaw Lang.
At sa panahon ng pandemya, literally halos araw-araw, gabi-gabi, boses niya (pati ni Concert King Martin Nievera, sa magkaibang mga oras) ang nagpapakalma sa aming nakaninerbiyos at nakatatakot na sitwasyon ng pag-iisa.
Napapag-usapan din namin ni Chad na dekada na ang naging pagkakaibigan sa mga hinaing ng mga tao sa industriya na karamihan ng apektado eh, mga musikerong gaya niya.
Kaya naisip niya, kahit na siya ang klase ng taong kahit ano ang mangyari eh, hindi mahilig humingi ng pabor sa kapwa, na magsimula ng isang fund-raising event para sa mga musikerong nasa Kabisayaan.
“Hindi naman tayo nagdi-discriminate sa mga kasamahan nating nasa Luzon o Kamaynilaan, lalo na. Sa Cebu ako lumaki pero sa Davao na ako namamalagi. Karamihan sa mga nakasama ko noon sa banda (Zee Band at New Minstrels 5th Generation) ay mga kababayan ko rin. At kami ang madalas na nagkakausap-usap.
“Kaya under my productions, nagkaroon ng collaborative effort ngayon ng musicians for musicians para makatulong sa ating mga musikero na nawalan ng mga trabaho. Ang mga drummer, piyanista at iba pa na alam natin na sa kung kailan lang may gig o show may kita ang higit na tinamaan.
“Tinawag namin itong, ‘Sing Out by the South’ na may kick-off this Sunday, June 21, 2020. Na in time rin sa Father’s Day at halos lahat tayo ay nasa comforts ng ating mga tahanan, humihiling kami ng suporta sa inyo.”
Ibinahagi ni Chad ang poster ng proyekto na mapapanood sa Linggo at nakasaad din kung paano at saan maipararating ang ating mga donasyon.
Kabilang sa mga mapapanood ng LIVE at ang iba naman ay pre-recorded na magsasalit-salit ay ang isa rin sa nagbigay ng idea kay Chad na gawin ito ay ang Canada-based ng si Joey Albert, si Ms. Pilita Corrales, Luke Mejares, Nonoy Zuñiga, Manilyn Reynes, US-based Jo Awayan, Thor Dulay, Jay Durias, Gab Alipe of Urban Dub, Bernie Uy, Duncan Ramos, Jun Polistico and Ms. Dulce at marami pang iba.
Marami pang musikero ang nagpapahatid ng interes na maging bahagi nito na maaaring maging serye.
“Parang lahat ay nangyayari in God’s perfect timing. Naipararating natin ito sa buong mundo dahil may V81 Radio in Los Angeles, California na nagbigay sa atin ng pagkakataon para maipahayag ito through Papa Gio at iba pang streamlining programs sa sinasabing New Normal.
“Hindi rin ako ma-techie pero noon pa may set up na ako sa aking maliit na studio at ngayon, na-check ko uli kung tama ba ang mga kable para sa magandang tunog ng mga instrumento. Kaya this is a blessing. At gusto rin namin na maging blessing sa iba lalo na sa mga kasama sa industriya.”
Ginagamit pa rin ni Chad ang God-given talent ng Panginoon sa kanya na muntik mawala nang magkaroon siya ng cancer sa Thyroid.
Matagal siyang nawala sa eksena. At nang magbalik, mas tumaas pa ngav ang range ng tinig niya pero nawala na ang pagka-bajo nito.
Naiba na rin nga ang estado ng kanyang pag-iisip pagdating sa buhay.
At sa pagtutulungan nila ng maybahay na si Emy, nabuo nila ang State Of Mind Productions nila na siyang nagsimula ng mapapanood nating palabas sa Linggo 8:00 ng gabi sa FB.
Support OPM. Suportahan natin ang sariling atin. Ang ating mga Musikero!
Isa pang aabangan sa buhay ni Chad eh, ang napakahusay din ng tinig sa pag-awit na anak niyang si Aby. That’s another story! #singoutbythesouth #fundraisingformusicians #ahelpinghand
HARD TALK!
ni Pilar Mateo