Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, patuloy sa paghataw ang showbiz career

KALIWA’T kanan ngayon ang projects ng talented na teener na si Rayantha Leigh. Kung dati ay sa pagkanta ang kanyang focus, ngayon ay sumasabak na rin siya sa pag-arte at pagiging TV host.

 

Nakahuntahan namin siya recently at inusisa ang mga pinagkakaabalahan niyang projects ngayon.

 

Kuwento ni Rayantha, “May upcoming po akong show sa GMA-News TV titled Rayantha Leigh, My Life, My Music. About OPM po siya and mayroon din po akong upcoming teleserye sa IBC13, ito po ang Kaagaw Sa Pangarap. Bale, ako po ‘yung kontrabida rito and kasama ko po rito sina Ella Apon, John Bermundo, Steven Ocampo, at marami pa pong iba. To be announced po kung kailan ang start niya.

 

“Mayroon din pong upcoming noontime show sa IBC13 titled Yes Yes Yow! Dapat po ay nag-start na siya ngayon, kaso na-stop po dahil sa Covid19.”

 

Dagdag niya, “Lahat po ng show ay produced by SMAC Television Production. Thankful po ako sa SMAC Television Production for trusting me and my talent, of course sa mom ko rin and family, for always supporting me.

 

“Excited na rin po akong mapanood ng mga tao ang upcoming teleserye namin.”

 

Iyong show niya sa GMA-News TV, nakapag-taping na ba sila? Solo lang ba siya sa show? “Nakapag-taping na po ako sa Rayantha Leigh, My Life, My Music ng tatlong episodes, pero ‘di pa po siya naipapalabas.

 

“Opo, solo lang po ako, at dito’y mapag-uusapan ang mga trending OPM songs and mag-i-interview din ako ng OPM artists,” masayang saad pa niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …