Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ivana Alawi, deadma sa kanyang mga mapaghusgang detractors!

MORE than the judgmental attitude of some people, Ivana Alawi is terribly hurt with the condescending attitude of her two friends.

 

Meron daw siyang dalawang dating close friend na sobrang close sa kanya at halos araw-araw ay magka-chat sila.

 

“Pag magpo-post ako ng picture,” she said in retrospect, “se-send ko muna sa kanila para ma-approve nila. ‘Okay ‘yan, puwede ‘yan.’

 

“Pero nagsalita sila nang napakasakit na word, and that really hurt because I treated them as my own family.”

Noong nagsisimula pa lang daw siya sa show business, ikinahiya raw ng kanyang mga kaibigan ang kanyang pangarap na makilala bilang sexy star.

 

‘Yung mama raw niya at mga kapatid, never siyang nakatikim ng salita na, ‘Nakakahiya ka.’ Proud raw sila sa kanyang achievements at very supportive.

 

Anyhow, ipinarating raw ni Ivana ang kanyang hinanakit sa mga kaibigan.

Hindi naman daw masama ang kanyang pangarap at hindi naman daw siya nagnanakaw o pumapatay ng tao, bakit raw kailangan siyang ikahiya?

 

Nai-share ito ni Ivana nang mag-guest siya sa ABS-CBN online show na I Feel U which is being hosted by Toni Gonzaga.

 

“Umiyak ako sa manager ko. ‘Paki-remove na po ako. Gusto ko na umalis at hindi ko na itutuloy ang pagiging sexy ko, kasi ayoko na.’”

 

“But then, my mom told me, ‘Lumaban ka. Bakit ka magpapaapekto sa mga kaibigan mo? Hindi mo sila kaibigan kung ganoon sila.’”

 

Magmula raw noon ay lumayo na siya sa mga dating kaibigan.

 

Looking back, isa sa mga big break ni Ivana ay nang gumanap siya bilang girlfriend ng late actor na si Eddie Garcia sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano, circa 2019.

 

Daring ang kanyang role sa serye at kadalasa’y nakasuot siya ng sexy bikini o lingerie.

 

Nagkaroon din daw sila ng kissing scenes noon kay Ryan Eigenmann, ang right-hand man ni Eddie sa serye.

Sa point of view ni Ivana, wala raw siyang dapat ikahiya in delineating sexy roles.

 

“I’m happy. I’m doing what I’m doing. Trabahong marangal.”

 

Deadma naman siya sa kanyang mga detractors.

“I don’t care if you’re going to bash me, kung iyan ang ikasisiya mo.

 

“But I will not give you any attention because you don’t deserve my time and effort.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …