ALAM naman sa apat na sulok ng showbiz na naging isang matagumpay na businessman ang aktor na si Marvin Agustin nang hindi na ito maging abala sa pag-arte sa harap ng kamera.
Manaka-naka na lang itong maging panauhin sa mga programa sa telebisyon at piling-pili na rin lang ang roles na inaako sa pelikula.
Nagbahagi ng kanyang bagong pinagkakaabalahan si Marvin. Sa kusina pa rin at malamang nami-miss niya ang mga kusina ng mga restaurant na kanyang pag-aari kundi man partner siya.
At habang ginagawa niya ang tinapay na ito, may kakambal pang mga aral na binuksan ito sa isip ng aktor.
“Lahat mahirap sa simula o parang imposible. But i guess we just have to overcome that fear and tell ourselves to just do it.
“Eto natuto na naman ako ng isang sikat na Jewish bread, BABKA.
“Babka or bobka (meaning grandmother in Polish) is a sweet braided bread or cake of Ashkenazi Jewish origin popular in Israel, in American Jewish Cuisine. And elsewhere in the Jewish Diaspora.
“It is prepared with a yeast leavened dough that is rolled out and is spread with a filling such as chocolate, cinnamon, fruit or cheese. Then rolled up and braided before baking.
“At natuto na din ako mag edit. i did this last, it felt good accomplishing something.
“’Yan din sabi ng kaibigan ko. In difficult times find or even create small wins. Mga maliliit na bagay na kaya mo magawa at mapapangiti ka.
“I posted a link above my bio about The Power of Small Wins.”
Mukha ngang masarap ang nagawang Babka ni Marvin na tiyak mae-enjoy ng kanyang kambal.
Tiningnan ko naman kung ano ang nasasabi tungkol sa tinukoy niyang “Small Wins.”
“A small win is a concrete, complete, implemented outcome of moderate importance. By itself, one small win may seem unimportant. A series of wins at small but significant tasks, however, reveals a pattern that may attract allies, deter opponents, and lower resistance to subsequent proposals.”
May dagdag pa, “Small wins break complex goals into more manageable pieces to handle. They are effective because they reduce stress and give you a daily action plan to follow. If you develop good daily habits, you’ll be eventually on your way to celebrate many small wins.”
Para mas marami pang maintindihan at malinawan kung bakit ito nae-enjoy at naa-appreciate ni Marvin at tila nagsisilbing inspirasyon sa kanya, look it up sa worldwide web!
BABKA looks yum!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo