Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are, patok ang tapsilogan, chilli sauce, at gourmet tuyo

MASAYA ang talented na indie actor na si Tonz Are dahil kahit pahinga muna siya sa taping at shooting dahil sa COVID-19, maganda ang takbo ng kanyang mga negosyo.

Saad ni Tonz, “Iyon pong Tonz Tapsilogan, located na rito sa Quezon City, sa bandang Tandang Sora. May­roon din online business na bukod sa tapsilogan, nandiyan ang aking Artizent Perfume and iba pang mga products. Soon to open na rin ang milk tea business ko po.

“Happy po ako dahil madalas na sold out ang aking Tonz Chilli Garlic and Tonz Gourmet Tuyo. Ang bilis po maubos, best seller po ito pareho.”

Ang kanyang milk tea business, franchise ba iyan? Wika niya, “Sarili kong milk tea po, Balud’s Milk Tea. Iyon po kasi ang karakter ko sa pelikulang Rendezvous, kaya iyon ang naisipan kong ipangalan sa new business ko. Sa movie ko na iyan ako nanalo ng Best Actor sa Gawad Amerasia International Award sa Hollwood, USA po.”

Pahabol pa niya, ”Kaya sa mga interesado pong bumili, bisitahin lamang ang FB page ko po na Tonz Are at Tonz Tapsilogan.”

Naikuwento rin ni Tonz ang kanyang mga acting project na naka-line up. “Ang dami ko pong movie projects like Tawabong na ako po ang bida and ‘yung Ban-ok na film ni direk Romm Burlat. Tapos sa The 700 Club Asia pa rin sa GMA-7, regular ako roon and sa SOCO po sa ABS CBN.”

Ang ibig sabihin daw ng Tawabong ay batang hamog. Ang pelikula ay under Daydreamer Productions.

Nakangiting hirit pa ni Tonz, ”Sobrang excited na ako mag-work, miss ko na ang humarap sa camera. Kapag okay na ang pandemic, mag-start na po kami.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …