Sunday , December 22 2024

Jen sa nakaambang tax sa online sellers — ‘Wag muna ang mga Pinoy

MUSIKA ang pumupuno sa lambingan ng magsing-irog na Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

At kahit pa nga nakasalang na sila sa ilang shows at concerts sa entablado, hindi pa rin sold si Jen na she can really sing.

Sa kanyang social media accounts, manaka-naka ngayong makababasa ng mga opinyon ng aktres sa mga kaganapan sa paligid.

“Nakakalungkot na pati pa pala online sellers itatax na ng BIR.

“Kawawa naman ang mga Pilipinong madiskarte na gumawa ng paraan para kumita ngayong madaming nawalan ng trabaho at nagsaradong businesses. Sa mga lumabas na articles online, baka naman pwedeng mas unahin itax ang POGO. Baka pwede iba muna ang kuhanan ng pondo ng BIR.

“Huwag muna ang mga Pinoy na nakahanap ng paraan upang kumita ngayong Pandemya… >ØzÝ

“Magtulungan tayo. Always remember to support local! >ØpÝ

Isa pang hirit ni Jen. Inilagay pa nga niya ito: For more information visit: Home – Bureau of Internal Revenue

Sabi rin niya sa isang post, ”Eto nanaman. Pareho po tayong mamayang Pilipino, you are free to post on your fb so bakit ako hindi pwede? Dahil po artista? Hindi po ba pantay pantay tau na may kalayaan? Okay naman po if u disagree with me. I welcome good conversation dito para lahat tayo dumami ang kaalaman sa nangyayari. Pero Pasensya na but if you don’t want me to post about social issues na pati rin naman ako naapektuhan  then unfollow this page and my ig at nandun din post ko. Thank you”

Dahil, as usual may bashers na hindi kuntento na respetuhin na lang ang opinyon ng iba.

Paglilinaw niya, ”I am not Anti or Pro Government. 

“I am Pro Filipino. I love my fellow Pinoys

“Kung hindi dahil sa inyo wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. You and my son are my biggest blessings. 

“Magtulungan tayo. Laging tandaan to support local  

“Isa pa po eto. Like I said before, it is okay to disagree with someone’s opinion. But huwag sana gumamit ng masasamang salita o atakihin ang pagkatao ng kausap mo. Hindi tayo pinalaki ng magulang natin para mambastos ng kapwa.

“Thank u  Yes thank you! þ We Filipinos are known for our hospitality and kindness. Kaya pakita din natin yun sa social media.

“We may disagree with each other pero pwede natin gawin yun na hindi nangaaway. 

“Sa mga nagtatanong kung san ko po nakuha ang basehan sa hindi pagbayad ng POGO. Kindly read: Majority of licensed Pogos failed to pay P50B in taxes in 2019 — BIR official

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *