Sunday , December 29 2024

11-buwan sanggol nagpositibo sa COVID-19 (Pinagpasa-pasahang kargahin)

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang isang 11-buwang sanggol na lalaki na pasa-pasang kinarga , niyakap at hinalikan ng mga kaibigan ng kanyang magulang sa isang flat sa Dubai, United Arab Emirates.

Nabatid dinala ang sanggol ng kaniyang mga magulang sa isang shared accommodation sa Karama, na hindi batid na dalawa pala sa mga naroon ay positibo sa COVID-19.

Ayon kay Eufracio Romero, Jr., ama ng sanggol na si Burj Hannter, laging naroon sa flat ang kanilang anak dahil kinagigiliwan siya ng siyam na nakatira roon.

Magkakasama ang siyam na residente kabilang ang yaya ng sanggol ang sinasabing flat na mayroong tatlong kuwarto, isang kusina, at banyo.

“Sa kanila na kasi lumaki si Burj, kaya sumigla ang bahay nang dumating siya sa kanila. Minsan nga ayaw pa ibigay sa amin kung susunduin na namin. Kaya happy din kami, kasi alam naming mag-asawa na mahal nila ang baby namin,” ani Romero, isang formwork engineer.

Habang ang kanyang ina ay nagtarabaho bilang office administrative officer sa isang real estate company.

“Worried po talaga kami para sa baby, lalo na’t 11-months old lang siya. Hindi namin alam kung may nararamdaman siyang kakaiba or may masakit ba sa kanya,” dagdag ni Romero.

Nagsimula umanong makaramdam ng mga sintomas sina Romero ilang araw matapos ang serye ng kanilang pagbisita sa nasabing flat.

Sumailalim sa swab test ang mag-asawa nang sabihan ng malapit na kaibigang si Jolly Milette Santo Zulueta, na residente ng nasabing flat, na siya at ang isa pa niyang flatmate ay nagpositibo sa COVID-19.

Ani Zulueta, 43, isang flower shop operations manager, natukoy niyang maaaring nahawa siya ng COVID-19 mula sa dalawa pa nilang flatmates.

Nakatira rin sa flat ang asawa ni Zulueta na si Richard, communications director sa isang skills training company.

Nagpositibo noong huling linggo ng Abril nang magsimulang muling pumasok sa trabaho ang dalawang residente ng flat, na parehong madalas makipaglaro kay Burj.

Noong bumbisita ang mga Romero sa flat, hindi pa umano nakapagpapa-test ang dalawa at parehong kumakarga at nakikipaglaro sa sanggol, ayon kay Jolly Milette.

Pahayag ni Jolly Milette, nag-aalala sila dahil noong mga buwan ng Abril at Mayo, madalas bumisita sa kanila ang mga Romero kasama ang anak na si Burj Hannter, kaya agad nilang tinawagan ang mag-asawa na sumailalim din sa swab test.

Noong 20 Mayo, sabay-sabay nilang naku­ha ang kanilang mga resulta at lahat sila ay lumabas na positibo sa sakit.

“Naging bola kasi namin lahat si baby; pasa-pasa then lahat kami kumakarga,” kuwento ni Jolly Milette.

Sa kabuuan, apat sa siyam na mga residente ng flat ang positibo sa COVID, ang dalawang magkasama sa isang kuwarto na na-admit sa pagamutan noong 12 at 15 Mayo; at si Jolly Milette at isa pa nilang flatmate.

Samantala, nagnegatibo sa COVID-19 ang limang natitirang residente ng flat kabilang ang asawa ni Jolly Milette at ang yaya ng sanggol.

Nakalabas na ng pagamutan ang dalawang naunang pasyente mula sa flat noong 26 at 28 Mayo 28, habang sinundo ng medical team mula sa Dubai Health Authority (DHA) sina Jolly Milette at ang pamilya Romero at inihatid sa isolation center sa isang hotel malapit sa Al Maktoum airport noong 23 Mayo.

Pinayagan nang makauwi ang mga Romero noong 31 Mayo, at si Jolly Milette noong 2 Hunyo.

“Mas kinakabahan kami para sa baby noong nandito pa kami sa bahay,” ani Romero, na nakatira sa ibang palapag ng gusali kung saan naroon ang flat ng mga Zulueta sa Karama.

“Pero nang nakuha na kami at nadala na kami sa isolation, nakita naman namin kung paano ang care sa amin ng mga nurses at doctors doon,  kaya naging panatag ang loob namin,” patuloy ni Romero.

Mula sa isla ng Sibuyan, sa lalawigan ng Romblon ang mga Romero, na gaya ng ibang mga mag-asawang overseas Filipino workers (OFWs) sa Dubai ay iniiwan sa kanilang mga kaibigan ang maliliit na anak na umeekstrang baby sitter sa araw upang makatipid sa gastos.

Halaw sa The Daily Bread,

news blog ni Jojo Dass

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *