Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheree Bautista
Sheree Bautista

Sheree, mas lalong naging sexy dahil sa quarantine!

IPINAHAYAG ng sexy actress na si Sheree na labis siyang nalungkot nang ang show niya sa Music Museum last April ay hindi natuloy, bunsod ng pandemic na hatid ng Covid19.

“Sobrang nalungkot po talaga ako nang ang concert ko ay hindi natuloy, kasi po hindi ba lockdown? So, dahil sa Covid ay na-cancel po siya,” panimula ni Sheree ukol sa burlesque show niyang L’Art De Sheree.

Pahabol pa ng dating Viva Hot Babe,  “Pero, paghahandaan ko pa ito lalo. Balak ko kasi na ituloy pa rin ang show, baka next year po or kung kailan maging okay na talaga.”

Gaano ka-sexy or ka-daring supposedly ang show na iyon?

“It’s a show that I saw in Paris na na-inspire ako. Burlesque is what I wanted to do ever since. So, hinahasa ko pa lalo ang sarili ko para mas maganda ang makikita ng audience ko in the future.”

Inusisa rin namin ang aktres kung mas naging sexy ba siya ngayong quarantine?

Sagot ni Sheree, “Yes po. I try not to indulge in too much food but ang hirap talaga…So, binabawi ko na lang sa workout and pole dancing.”

Pahabol na pagbabalita niya, “Tapos nai-launch ko na ang first vlog ko sa Youtube, puwede po ako i-follow sa YouTube-Sheree Vidal Bautista.

“It’s a lifestyle vlog po. Ipapakita ko sa kanila ‘yung life ko, I will teach them how to paint. I will share my beauty tips, painting, dance, travels, make up… basically ang buhay ko as an artist. Kapag okay na ang quarantine, dadalhin ko sila sa amin sa Bukidnon,” ani Sheree.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …