ANG kapal naman ng isang dating sexy male bold star. Diretsahan siyang nag-aalok sa social media na gagawa raw siya ng isang self sex video, na ipadadala niya sa magbabayad ng P5,000. Pero natawa kami, aware kaya siya na ang mga negosyo on line ay kailangan na rin niyang iparehistro sa BIR at kailangan na rin siyang magbayad ng tax?
Paano niya irerehistro sa BIR ng negosyo niyang sex videos?
Ganoon na ba katimawa ngayon ang mga dating bold star at naiisip nila pati na ang mga ganyang negosyo? Wala na bang ibang mas disenteng mapagkakakitaan? Mas hanga kami roon sa isang bold female star noong araw na nagtitinda ngayon ng bagoong sa talipapa. Mas disente iyon.
(Ed de Leon)