Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Giant face shield ng Eat Bulaga!, nakaaaliw

DAHIL nasa NEW NORM na ang talbo ng buhay ng mga tao, naghihintay ang marami sa muling pagbubukas ng Kapamilya Network. Sige na rin sa paghahanda ang iba pang ang layon lang eh, patuloy na magbigay ng saya sa madla.

Halos isang linggo ng nag-LIVE ang #EatBulaga.

Ipinakita ang safety protocols na sinusunod nila na may doktor at nurse na naka-antabay sa APT Studios.

At nag-announce naman na ang Kapamilya na sa Sabado, matutunghayan na rin natin ang pagbabalik sa ere ng #ItsShowtime.

Sa EB, ang inaabatan ko lagi ay ang portion na #BawalJudgmental. At ito ang inuna nilang gawing LIVE sa Studio.

Sina Bossing Vic at Pauleen Sotto, Allan K, Raiza Mae, Pia Guanio, Ryan Agoncilo, at Baste eh, nasa mga tahanan pa nila.

Talagang nagpapasabog ang EB at sa nasabing portion, naisip nila na gumawa ng giant face shield para sa mga contestant na hinulaan ang sagot sa tanong ng unang guest na si Teri Onor.

Kung LIVE show ang pag-uusapan, nauna na sa kanila si Willie Revillame sa Tutok to Win nito sa Wowowin na tuwing hapon ay aabot  sa milyon-milyon ang ipinamamahaging pera mula rin sa kanyang sponsors.

Aabangan pa natin kung ano pa ang magagandang mapapanood sa  NEW NORM for our viewing pleasure.

Sa It’s Showtime, mga bagong segment naman na kaya ang ihahain sa atin? Mayroon ding paboritong ibabalik sila sa kakaiba ring paghahandog sa madla!

Pero naaliw talaga ako sa Giant Face Shield, ha? Covered ang buong tao! Ano pa kaya mga kasunod?

Unti-unti.

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …