Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anita Linda, nakatrabaho ang 3 national artists na director

NATUWA kami sa pagbabalitang ginawa ng 24 Oras sa pagkamatay ng acting legend na si Anita Linda, na inisa-isa ang lahat ng mga magagandang pelikulang nagawa niya. Favorite actress ng ermat ko iyang si Anita. May isa lang silang nakalimutan, hindi nila naikuwento kung paano siya na-discover ng national artist na si Lamberto Avellana.

Ang kuwento sa amin ni Aling Alice (totoong pangalan ni Anita), na nakausap namin sa set ng isa niyang pelikula mga 20 taon na ang nakararaan, at itinuturing naming isang pribilehiyo iyong makausap nang personal ang isang acting legend. Sabi niya nanonood siya ng vaudeville sa Avenue Theater sa Avenida Rizal nang makita siya sa audience ni director Avellana. Ipinatawag siya ng director at inalok na mag-artista. Ayaw niya noong una dahil Bisaya siya, at hindi magaling mag-Tagalog. Noong hindi na siya magbalik, ipinasundo siya ni direc Avellana, at isinama sa isang vaudeville drama na wala siyang dialogue noong una.

Suwerte rin si Aling Alice, dahil ipinagmamalaki niyang nakatrabaho  ang tatlong national artists na director, sina Avellana, Gerry de Leon, at maging si Lino Brocka. Naging director din niya sina Mike de LeonChito Rono, at maging si Mario O’Hara. Mayroon din naman siyang nakasamang iba pang mga director. Sa loob ng 77 years ay may nagawa rin naman siyang hindi magagandang roles, at mga walang kawawaang pelikula, pero huwag na nating isa-isahin pa ang mga iyon. Hindi nga maganda eh. Kalimutan na natin lahat iyon.

Umagaw sa mga headline ang pagyao ni Anita. Hindi mo naman mai-aalis iyon. Maaaring hindi na siya masyadong kilala ng kasalukuyang henerasyon, pero hindi natin maikakaila na isa siya sa mga kinikilalang bituin ng industriya sa buong panahon noon.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …