Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Respeto, nakuha ni Kim nang tumigil sa paghuhubad

INAMIN ni Kim Domingo sa kanyang unang Youtube vlog na hindi naging madali ang desisyon niyang ihinto ang sexy image.

Mayroon ding hindi naintindihan ang desisyon niya.

“’Yung mga dating humahanga sa akin, sumusuporta noong time na hubadera ako, ang dami nila! As in, ang tunog ng pangalang Kim Domingo, pantasya ng bayan. Hindi sa pagmamayabang, pero pumutok talaga ‘yung pangalang Kim Domingo noong nagpa-sexy ako. Maraming nawala pero ang hindi n’yo alam maraming pumalit doon sa mga nawala. Mas maraming taong nagmamahal sa akin ngayon. May mga nawala pero may mga pumalit,” giit niya.

Kuwento pa ni Kim, masaya siya dahil alam niyang ang fans niya ngayon ay inirerespeto siya.

“Ang daming taong mas naka-appreciate ngayon sa akin. Doon ako nagti-thank you. Ganito pala ‘yung lasa ng nirerespeto ka. Mas masarap siya kaysa mga ‘Ang sexy mo, ang hot mo!’”

 

Nilinaw naman ng aktres na hindi siya tutol sa mga nagpapa-sexy.

“Hindi ako against sa nagpapa-sexy kasi nanggaling ako riyan eh. Sino ako para manghusga. Masayang-masaya ako. Gusto kong malaman ninyo na masayang-masaya ako roon. I’m free!”

 

Samantala, balita namin ay marami pang YouTube videos na gagawin si Kim. Ano kaya ang mga ito? Subscribe na sa kanyang channel para laging updated.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …