Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mikee Quintos, may dilemma sa pag-aartista at pag-aaral

SA latest episode ng Shout Out Andre, si Mikee Quintos ang kinamusta ni Andre Paras. Ibinahagi ni Mikee ang dilemma sa pag-aartista at pag-aaral. Sa kasalukuyan, Architecture student si Mikee sa University of Santo Tomas.

“I took a break for a whole [semester] during ‘The Gift,’ ‘di talaga ako nag-aral noong time na ‘yon. Lagi kong naiisip na parang nag-uumpisa na sa isip ko ‘yung sinasabi sa ‘kin ng daddy ko, ng mom ko na ‘Pag nag-stop ka, ‘di ka na babalik kaya ‘wag kang mag-i-stop.’

“Iniisip ko noong ‘The Gift’ na baka biased lang ako mag-isip ngayon kasi happy ako, nagte-taping ako. Baka nauunahan ko lang sarili ko na ‘di ko lang gustong mag-aral. Pero come January, okey naman, nakapag-enroll ako, I started studying again, nami-miss ko mag-plate, oo, pero hindi pa ako fully into it,” kuwento ni Mikee.

Na-realize rin ni Mikee sa gitna ng quarantine na ang pag-arte talaga ang nais niyang gawin hanggang sa siya’y tumanda.

“One night, ikinuwento ko ‘yon sa ate ko. Sinabi ko sa kanya na, ‘Ate, napapaisip ako, ganito nafi-feel ko, how am I gonna tell my mom and dad? How are they gonna understand this?’ Sabi niya sa ‘kin, ‘Sinasabi mo na nand’yan ‘yung passion mo, ‘yung heart mo sa acting. If it’s really there, kahit mag-aral ka, kahit gaano katagal ‘yung kunin mong break sa showbiz, babalik at babalik ka ‘eh. Magkakaroon at magkakaroon ka pa rin ng work in the future kung nand’yan talaga ‘yung heart mo,” pagpapatuloy ni Mikee. “Roon ko nga naisip na it’s true na if it’s for you, it’s gonna happen. You just have to trust the process and trust God that he has a plan for you. Tapos ‘yun na, na-excite na akong mag-plates ulit.”

Panoorin ang heart-to-heart talk nina Andre at Mikee sa official YouTube channel ng Kapuso actor.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …