Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, mas nawalan ng oras kay Ice

ALIW NA ALIW ako maya’t mayang may lovenotes si Ice Seguerra para sa kanyang misis na si Liza.

“Parang mas lalo siyang naging busy ngayong work from home. Kasi rati, noong pumapasok siya sa opisina, aalis siya ng 7:00 or 8:00 a.m., tapos pagbalik niya ng 9:00 p.m., relax na siya. Family time or sexy time na. Hehe.

“Ngayon, gigising ng 4:00 a.m., magtatrabaho na. Matatapos ng 10:00 p.m. o 11:00 p.m. pero plakda na. Nagkikita lang kami kapag kakain, kasi hindi mo na siya maiistorbo sa ibang oras dahil ang daming trabaho.

“Ganon pala no kapag ang asawa mo, nasa gobyerno at passionate sa public service. Walang katapusan ‘yung trabaho kasi araw-araw hindi tumitigil ‘yung mga kailangan gawin. Policies, programs, mga sector na kailangan tulungan sa kaliwa’t kanan. Sabi nga nila, hindi ito trabaho. Ang public service ay isang calling. 

 

“It is a thankless job. Buti nga sana kung thankless lang eh. Pero ‘yung bira sa kaliwa’t kanan kahit ginagawa na niya ang lahat, ang hirap kayanin niyon. 

 

“Pero ‘yan pa rin siya. Naka-smile. Smile kahit pagod, lulutuin ‘yung request naming tsibog kahit buong araw siyang nagtatrabaho, ibibigay oras niya sa amin kahit siya mismo, wala nang oras para sa sarili niya. 

“Kaya rest ka lang mahal ko, sana makakuha ka ng maraming energy para humarap muli sa bagong bukas. Thank you for giving them your all kahit minsan feeling ko sobra-sobra na because of what they say and how they treat you but I know you, hindi mo kayang hindi ibigay ang lahat mo sa kahit anong sitwasyon. I appreciate your hard work kahit madalas ay kinakain niyon ang oras mo para sa amin. Basta ako, sobrang proud ako sa iyo sa dedication mo at puso mo para magsilbi.

“Nandito lang ako sa likod mo parati, niyayakap ka habang tulog at ine-enjoy ang hilik mo. 

“Labyuuuu!”

All these years. Ilang taon na nga ba sila? Dalaga na nga si Amara.

Hirit maya’t maya. Pero ang sarap basahin para maging inspirasyon. Buti pa sila.

“Minsan, nagugulat na lang ako sa asawa ko. ‘Yung tipong kanina lang may katabi akong nakapambahay tapos pagtingin ko, diyos ko, diyosa na. Ang sarap mong tingnan. Kahit sinasabi mong may mali pa sa itsura mo, wala akong makita ni isa. Puro ganda lang. Thank you pinakasalan mo ko huhuhu. Ang ganda mo shet!”

O, saan ka pa, ‘di ba?

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …