Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, tila nakawala sa kusina

ISANG napakasayang nanay ang nakita namin habang nagluluto sa kanilang bahay ng napakaraming putahe. Ang tinutukoy naming ay si Sylvia Sachez na nag-post ng video habang nagluluto.

Ani Ibyang (tawag kay Sylvia) na-miss niya nang sobra ang pagluluto. Kapag walang taping o shooting ang aktres, ugali na niya ang magluto para sa kanyang pamilya.

“Tatlong buwan din akong hindi nakapagluto,” tsika nito. “Kaya talagang napaka-saya ko na muli kong naipagluto ang pamilya ko.”

 

Isa si Sylvia at asawa niyang si Art Atayde sa naapektuhan ng Covid-19 kaya naman matagal-tagal din silang nagpagaling sa ospital. At nang makalabas ng ospital ay hindi naman kaagad nakapagluto rin ang aktres. Kinailangan niyang magpalakas pa.

Kaya naman kahapon, sobra-sobra ang saya ni Sylvia habang nagluluto ng Galunggong Pasta at Potato soup.

“Good morning, start na ako ng luto, delikado na ito, okey na ako, malakas na,” giit ni Ibyang habang ipinakikita ang ginagawang pagluluto.

 

Sinabi pa ni Sylvia nag-paksiw siya ng galunggong at dahil may sobra, ginawa niya iyong pasta. “Ang sarap ng amoy, ready na para sa pamilya ko,” pagbabahagi pa ni Sylvia.

Giit pa ni Sylvia, “para akong nakawala sa kusina, ahahahahahhaa. Ang ingay kong nagluto.”

 

Isa kami sa madalas makatikim ng mga niluluto ni Sylvia at talaga namang napakahusay nito sa pagluluto. Lahat ay masarap. Pero ang pinakapaborito namin ay ang kanyang kare-kare na ubod ng sarap.

Wish lang namin na matikman muli ang kare-kare ni Sylvia, hahaha.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …