Monday , December 23 2024

Easy installment bayaran sa Meralco ECQ bills

MALAKAS talaga ang boltahe ng koryente mula sa Meralco, akalain ninyong milyong-milyon subcribers ng electric company ang ‘nakoryente’ at tila nagmistulang estatuwa habang hawak-hawak ang kanilang “ECQ bill” o bayaran para sa nakonsumong koryente sa panahon ng lockdown sanhi ng COVID 19 simula Marso 2020.

 

Sino ba naman ang hindi matutulala sa napakalaking bayarin – naipon ba naman ng tatlong buwan at panahon pa ng tag-init bukod sa ang lahat ay nasa bahay kaya magkakasabay na nagagamit ang electric fan o aircon na halos maghapon o magdamag.

 

Buti na lamang at presko sa probinsiya ng Rizal kaya medyo hindi tayo malakas sa pagkonsumo ng koryente – halos walang naidagdag sa buwanang bayaran ko nga e. Tipid-tipid at displina lang ang kailangan diyan.

Ano pa man, marami ang nagulat sa dumating nilang bill para sa buwan ng Marso, Abril at Mayo. Natural tatlong buwan ba naman e.

 

Bagamat, ang lahat ay naiklaro na sa congressional hearing nitong nakaraang Miyerkoles. Ipinaliwanag ng Meralco sa mga mambabatas  (at sa publiko) kung bakit nakagugulat ang electric ECQ  bills na nataon pang tag-init. Alam naman ng mga konsyumer na kapag summer mataas ang konsumo kaya mataas din ang bayarin. Tipid-tipid at disiplina lang iyan.

 

Sa pagdinig, may good news ang Meralco sa kanilang mga suki…ipinangako ni Meralco President/ CEO Atty. Ray C. Espinosa kay Vice Chairperson Michael Defensor, nanguna sa pagdinig, na napagkasunduan ng Meralco na utay-utay nilang pababayaran ang bills para hindi mahirapan ang kanilang mga suki. Iyon naman pala e. Installment – iyan ang paborito ng mga Pinoy. Hulugan na walang interes. Hindi tulad ng Bombay na papatayin ka sa tubo.

 

Katunayan, kasabay sa pagpapadala ng patas at detelyadong ECQ bills ang liham paliwanag ng Meralco hinggil sa kanilang nakonsumong koryente. ‘Ika ni Espinosa…that meter reading is accurate, fair and transparent as a basis for those charges.

At, nasa liham din kung paano huhulugan ang ECQ bill sa loob ng 4 hanggang 6 buwan ang para sa Marso, Abril at Mayo na hindi pinabayaran muna ng Meralco sa panahon ng ECQ hanggang GCQ bukod sa walang pinutulan ni isa sa milyones na konsyumer.

Iyon naman pala e, apat hanggang anim na buwan mong huhulugan. Ayos naman pala ang Meralco. Beri konsiderabol pala ang electric company. Kaagang pamasko naman nito. Hanggang Disyembre ang instalment. Malay ninyo baka ang huling buwan ay pamasko na ng Meralco sa kanilang konsyumer.

O, ano may reklamo pa ba tayo sa kung paano natin bayaran ang kinonsumo natin nitong nakaraang tatlong buwan ng ECQ/GCQ? Napakaluwag ng binigay ng Meralco sa atin. Easy instalment. Buti na lang at hindi Bombay ang nagpapatakbo ng Meralco kung hindi, patay tayo sa interes na “5-6.”

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *