Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheryl at Sunshine, walang away (makikikanta rin kina Sunshine, Geneva, at Donna)

NAKAKA-LSS ang ginawang trio ng magpipinsang Sunshine, Geneva, at Donna Cruz sa awiting You’re In Love na ipinost ng una sa kanyang Facebook account noong Miyerkoles ng gabi.

 

Napakangandang pakinggan ng kanilang mga boses. Malamig at nakaka-goodvibes ‘ika nga. Halos lahat ay puro positibo ang komento sa ‘ika nga ni Geneva ay virtual performance nilang magpipinsan.

 

Kaya hindi nakapagtatakang nakakuha ito ng 5.7K views at 76 shares  habang isinusulat namin ito.

 

Bago ang trio, unang nag-duet sina Sunshine at Geneva noong May 23 sa kantang Tell Him nina Celine Dion at Barbra Streisand.

 

Si Sunshine ang nagbalita ukol sa pagsasama-sama nilang tatlo matapos ang duet nila ni Geneva.

 

Aniya sa kanyang IG account na sunshinecruz718 na may picture nilang tatlo noong May 27, “And because you are requesting for her, pagbibigyan niya tayo… #soon #cousins #trio … *more CRUZES to come after.

 

Susog naman ni Donna na, “Sobrang namiss ko mga pinsan ko! Excited na din ako. Love you both.”

 

Bago ang pagkanta nilang tatlo, ibinalita muna ni Sunshine na nakikipag-ugnayan na rin sila sa isa pa niyang pinsan, si Sheryl para makasama rin nila sa pagkanta.

 

Sa post muli ni Sunshine sa kanyang IG a week ago sinabi niyang, “Prepared ako sa online rehearsal with cousins @genevacruzofficial & @donnacruzylarrazabal. With hoop earrings pa talaga oh!
@precious_metals thank you Andy. Love it!
️ •

“We are in touch with our cousin Ate Sheryl and planning a collaboration with her too. Hopefully, matuloy and of course more Cruzes to come! Blessed to be a part of a musically inclined family and happy kami na mabigyan kayo ng konting kaligayahan sa paraan ng pagawit namin while quarantined tayong lahat. Abangan! 
stay healthy!”

 

Na sinagot naman ito ni Sheryl (@officialsherylcruz) ng puso.

 

Sa pagsagot na ito ni Sheryl, nabura na siguro ang haka-haka ng iba na may gap ang dalawa.

 

Nauna nang sinabi rin ni Donna (sa pamamagitan ng pep.ph) na okey sina Sunshine at Sheryl. “ok sila, may chat group kami cousins and hinihintay lang replay ni Ate She para maka plan na ng song.”

 

Paglilinaw naman ni Sunshine, okey sila ni Sheryl at ng iba pa nilang pinsan na bagamat hindi sila nagkikitang madalas ay nagrerespetuhan naman sila.

 

Sa apat, aktibo sa pag-arte sina Sunshine at Sheryl, samantalang si Geneva ay nakabase sa US pero ngayo’y nasa ‘Pinas at si Donna naman ay nakabase sa Cebu.

 

Naku tiyak na mas marami ang mae-excite sa pagsasama-sama ng apat kaya abangan.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …