Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging varsity player ni Christian, ikinagulat ni Chris

SINONG mag-aakala na ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ay dati palang varsity player ng table tennis noong nag-aaral pa  sa UP Diliman.

Sa kanyang YouTube vlog na What makes you tick? Talk, masayang nakipag-chikahan si Christian sa guests niya at kapwa mahilig sa sports na sina iBilib host Chris Tiu at sports commentator Mark Zambrano. Pagbabahagi ni Christian, marami ang nagugulat sa tuwing ikinukuwento niya ang pagiging varsity player niya noong college.

Ani Christian, 6:00 a.m. pa lang ay gising na siya para tumakbo sa academic oval bago um-attend ng kanyang Architecture classes noon sa UP Diliman at saka magte-train muli sa gym.

Nagulat naman ang former professional basketball player na si Chris na  kung paano nahilig sa pagkanta ang kaibigan. “The music was always there. Hindi ko lang iniisip na career. Parang, ‘Music as a career before? No, man. I have to work at an office.’ Parang ganoon.”

Samantala, sa mga nais ding abutin ang kanilang mga pangarap na maging musikero, bukas pa rin ang online auditions ng The Clash Season 3 hanggang June 28. Bisitahin lamang ang official website ng GMA Network para sa iba pang mga detalye.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …