Saturday , November 23 2024

KWF, ipinagpaliban ang mga timpalak pangwika ngayong 2020

IPINAGPALIBAN ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga timpalak pangwika (bukod sa Sanaysay ng Taón) ngayong 2020 bílang pagtalima sa National Budget Circular. No. 580. s. 2020 (“ADOPTION OF ECONOMY MEASURES IN THE GOVERNMENT DUE TO THE EMERGENCY HEALTH SITUATION”) partikular sa Seksiyon 1.3 Relative thereto, R.A. No. 11469 Section 4(v) directed the discontinuance of appropriated programs, projects or activities of any agency of the Executive Department, in the FYs 2019 and 2020 General Appropriations Acts (GAAs), including unreleased appropriations and unobligated released allotments.

 

Kabilang sa ipinagpaliban ang KWF Kampeon ng Wika 2020, KWF Dangal ng Wika 2020, iKabataan Ambasador sa Wika 2020, KWF Gawad Jacinto sa Sanaysay 2020, KWF Travelling Exhibit 2020, Tertulyang Pangwika grant, at Pamadayaw.

 

Matatandaang upang mabawasan ang panganib ng posibleng pagkakalantad sa COVID-19, itinagubilin ng Kagawaran ng Kalusugan na: “With the ongoing threat of the spread of Coronavirus (2019-nCoV ARD), the Department of Health strongly urges the public to avoid attending, participating in, and organizing events that draw a huge number of attendees. The DOH likewise recommends the cancellation of such planned big events or mass gatherings until further advice.”

 

Nitong nakaraang taón, itinanghal na KWF Kampeon ng Wika 2019 sina Dr. Michael M. Coroza, Dr. Galileo S. Zafra, Dr. Mario I. Miclat, at Joaquin Sy dahil sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa larang ng wika,  panitikan, araling kultural, at pagsasalin.

 

Ang KWF Gawad Kampeon ng Wika ay taunang parangal na ibinibigay ng KWF sa mga natatanging indibidwal, institusyon, o samahan na patuloy na bumubúhay at aktibong lumalahok sa pagtataguyod at preserbasyon ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Filipinas sa iba’t ibang larangan o disiplina.

 

Pinarangalan din nitóng nakalipas na taón si Dr. Teresita V. Ramos bílang KWF Dangal ng Wikang Filipino, ang pinakamataas na parangal ng KWF pára sa mga tagapagtaguyod at pagsusulong ng wikang Filipino. Isinulong niya ang Filipino sa larang ng edukasyon sa University of Hawaii at naging awtor ng mahigit 20 aklat pangwika na ginamit sa akademya.

Kabilang ang iKabataan Ambásadór sa Wika o iKAW sa ipagpapaliban sa taóng ito.

 

Ito ay timpalak na nagnanais hamunin ang mga kabataang Filipino na manguna at maging aktibong tagapangalaga at tagapagtataguyod ng mga katutubong wika sa bansa.

 

Ipagpapaliban din ang KWF Gawad Jacinto sa Sanaysay pára sa taóng ito. Layunin ng timpalak na ito na maitampok ang husay ng mga kabataang nása baitang 7 hanggang 11 sa pagsulat ng sanaysay.

 

Sa kabila ng pandemya, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pamumuno ni Dr. Arthur P. Casanova ay patuloy na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa bansa.

http://kwf.gov.ph/kwf-ipinagpaliban-ang-mga-timpalak-pangwika-ngayong-2020/

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *