Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, Joshua, at Bimby, araw-araw kinakanta ang Lupang Hinirang

NAKAUWI na noong Miyerkoles ang mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby Aquino sa kanilang tahanan sa Quezon City galing ng Puerto Galera.

Halos tatlong buwan ding namalagi ang mag-iina sa isang beach resort doon dahil inabutan sila ng lockdown sanhi ng Covid-19 pandemic.

Bago umuwi ay nag-post muna si Kris ang kanilang picture sa Instagram account niya ukol sa pagbiyahe nila ng Maynila. Aniya, “We got all our clearances & permits, now we’re ready for the 1st part of our journey HOME! Just in time for Kuya’s birthday tomorrow (a special thank you to WBR for letting @checkticsay & randy, aka “hello kitty’ stay to help us.) it’s been almost 3 months but everyone at Sunset & the Puerto Galera LGU really made us feel welcome. (Thank you to Doc Oca for helping mend my left hand & Doc delos Reyes for regularly checking kuya josh, bimb, and me.)”

 

Pagkaraan ay isang solo picture naman ng kanyang panganay, si Kuya Josh, ang inilagay ni Kris bilang pag-alala sa kaarawan nito. Bale 25 taong gulang na ang binata ni Kris. Ipinakita nitong may pagkakulot ang kanyang binata at ipinagmalaki ang pagiging mabait, bukas palad, at pagiging positibo nito sa lahat ng bagay.

Aniya, “by tomorrow, his birthday, he’ll get his haircut & he’ll be shaved- but i wanted all of you to see kuya josh’s natural curls (a part of me wants to make him grow his hair some more but he’s already complaining about the heat)… my panganay will turn 25 in a few hours- a full year older than i was when i gave birth to him. in many ways, we’ve grown up together & his innate kindheartedness, generosity, and his ability to only see the good in all situations inspire me to be the best mama i can possibly be… whenever you comment that you feel i’m a good parent, the truth is how could i possibly be anything less when i have been blessed with such loving sons? Happy Birthday kuya josh… thank you for filling my existence with LOVE.—

 

Isang picture rin ang ibinahagi ni Kris na kasama pa rin si Josh gayundin ang makukulay na balloons. Kaya pala ganoon ang kulay ng mga lobo ay bilang pagpapakita ng pagiging makabayan ng kanyang anak.

Sambit ni Kris, “Everyday in Puerto Galera, between 7:30-8 AM, kuya josh would insist that we all had to view the “Lupang Hinirang” music video, stand w/ our right hand above our hearts, sabayan ang pagkanta ng national Anthem and face the open sea… i decided to make kuya’s lunch (na kami kami lang naman sa house) themed around the colors of our flag. ️🤍🇵🇭 P.S. i included the pics where kuya covered my face & the balloons covered him- mahirap talagang picture-an kapag ang panganay ay lagpas 6’2 at yung mama 5’3 lang. 🥰

 

Mula sa Hataw, ang pagbati namin ng maligayang kaarawan kay Josh.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …